QUEZON CITY – hindi konektado sa 6.1 magnitude na lindol sa Central Luzon noong Lunes, gayundin sa 6.5 magnitude quake sa Eastern Samar ang sunod-sunod na pagyanig sa Mindanao noong Miyerkoles at kahapon ng umaga.
Ito ang paglilinaw ng Philippine Institute Of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS).
Unang naitala ang magnitude 4.5 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental alas-11:28 ng umaga noong Miyerkoles at sinundan ito ng magni-tude 4.7 na lindol na naitala sa Baganga, Davao Oriental alas- 11:43 ng umaga.
Naitala ang intensity 1 sa Bislig City, Surigao Del Sur bunsod ng naturang pagyanig.
Alas-10:54 naman ng gabi, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte.
Kahapon ng umaga, unang naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.
Alas-5:09 ng umaga naman ay tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan pa rin ng General Luna, Surigao del Norte.
Tiniyak naman ng Phivolcs, ang mga pagyanig ay hindi nagdulot ng pinsala. EUNICE C.
Comments are closed.