NAPAKALAKING selebrasyon ang magaganap sa darating na weekend sa CCP Complex.
Punom-puno ng mga palabas at palihan ang PASINAYA 2024 mula ika-3 hanggang ika-4 ng Pebrero.
Sa unang araw, Sabado, maaaring sumali sa mga sumusunod na palihan/workshop: Learn HipHop, Bayanihan Dance, Pangalay, Capa y Espada, Basic Puppetry and Character Voices, Urban Sketching, Basic Cartooning, Banderitas Making, Paper Mandala, Coffee Painting, Baybayin Writing, String Pulling Art, Mandala Weaving, Printmaking, Chalk Art, Classical Guitar, Learn to Sing with Madz, Ballet Body Basics, Katutubong Tunog, Journalists and their Works, Paano Magkwento?, Rondalla, Storytelling and Bookmark Making, Sukat at Tugma, at Spoken Word.
Lahat iyan ay magaganap bago mag-alas dose ng tanghali.
Sa hapon naman ay maaaring sumali sa mga sumusunod na palihan: Folk Dance, Dance Repertoire Class, Laro Tayo, Kamalayang Pilipino Workshop in the Arts, Writing for Healing, KOROPlus, Ati-atihan Masks, Relief Printmaking, Interactive Storytelling, Dulaang Sipat Lawin workshop, Musika ng Komunidad, Tanghalang Ateneo workshop, Alice Reyes Dance PH workshop, Song Weavers PH, Percussion Instruments, Katutubong Tunog mula Cordillera, RTD kasama ang mga graphic artists, Acting Matters, Dagli, Sci-Fi, Pinoy Reads Pinoy Books workshop, Makabayang Pagtula, at Legal Basics for Freelancers.
Ang mga ito ay libre sa publiko; may mungkahing donasyon lamang na 50 pesos bawat tao. Para sa venue at eksaktong oras ng mga palihan, maaaring bisitahin ang social media spaces ng Cultural Center of the Philippines. I-check din ang mga detalye tungkol sa mga Palabas, Palitan, Paseo Museo, at Pamilihan, kabilang na ang mga detalye ng ganap sa PASINAYA sa Tagum City at PASINAYA sa Iloilo City.