SA panahong napakabilis ng pagsulong ng teknolohiya, mas mahalaga na gamitin ang mga makabagong sistema para sa ikabubuti ng tao at ng planeta.
Gayunpaman, palaging napag-uusapan ang mga isyu tungkol sa etikang kaugnay ng pagsulong ng teknolohiya. Ano ang mga prinsipyong dapat gumabay sa teknolohiya, at paano maaaring ipatupad ang mga ito?
Ang World Economic Forum ay humingi ng mga ideya mula sa mga lider na kabilang sa kanilang Innovator Communities hinggil sa mga mahahalagang aspeto na dapat magsilbing gabay sa pag-unlad ng teknolohiya para sa kapakinabangan ng tao at ng planeta. Ang mga sumusunod na personalidad ay nagbigay ng opinyon tungkol sa mga bagay na kailangang isaalang-alang para sa responsable at makabuluhang pag-unlad: si Rotem Iram, Founder at Chief Executive Officer ng At-Bay; si Alon Chen, Co-Founder at Chief Executive Officer ng Tastewise; si Rahul Roy-Chowdhury, Chief Executive Officer ng Grammarly; si Rene Saul, Co-Founder at Chief Executive Officer ng Kapital; si Pablo Borquez Schwazbeck, Founder ng ProducePay; si Alex Zhavoronkov, Founder at co-Chief Executive Officer ng Insilico Medicine; si May Habib, Co-Founder at Chief Executive Officer ng Writer; at si Eduardo della Maggiora, Founder at Chief Executive Officer ng Betterfly.
Ang mga lider na ito ay nagsusulong ng pamamaraang nakatuon sa tao at ginagabayan ng isang misyong magpalalim sa kanilang koneksyon, kagalingan, at kolaborasyon. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay rin ng prayoridad sa mga kasangkapang maaaring magbigay ng kapangyarihan sa tao upang marating nila ang kanilang personal at panlipunang potensyal.
Ang pangunahing layunin ay ang pagpapalago ng kolaborasyon at ambag sa planeta, at ang paglikha ng isang sistema kung saan ang teknolohiya ay nagpapalakas ng kakayahan ng tao sa pagharap sa mga hamon ng mundo.
(Itutuloy)