(Pagpapatuloy…)
NAKATUON ang pansin ng lahat sa kung paano nakatutulong sa pag-unlad ang artificial intelligence (AI) habang iniingatan ang dignidad ng tao— ang paunlarin ang potensyal ng tao imbes na isantabi ito.
Ang mahalaga ay ang maisulong ang pagpapahaba ng produktibong buhay ng tao. Kasama rito ang pagtutok sa mga bagay na magsusulong ng layuning ito: ang mga AI-discovered solutions, AI-designed therapeutics, mga solusyong pangkalusugan na isinusulong ng AI, at ang patuloy na pagpapaunlad ng produksiyon ng mga “sustainable chemicals and materials”, at pati na rin ng clean energy solutions.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng malawakang digitalisasyon sa agrikultura at ang pananagutan ng mga nag-aalok ng teknolohiya hinggil sa posibleng panganib at pang-aabuso.
Ang mga emerging economies, madalas na tinatawag na “fruit basket” ng mundo, ay may malaking impluwensiya sa environmental footprint ng agrikultura. Ang paggamit ng teknolohiya sa mga rehiyong ito, na nagsusulong ng mga tinatawag na sustainable practices, ay naglalatag ng oportunidad para sa mabilis na pag-unlad sa larangan ng pagtugon ng mundo sa climate change, pangangailangan sa tubig, at kalusugan ng lupa.
Ayon kay Pablo Borquez Schwazbeck, ang founder ng ProducePay, mahalaga para sa pag-unlad ng teknolohiyang pang-agrikultural ang digitalisasyon ng mga information systems sa mundo.
Kailangan umano ang “market-risk mitigation derivatives” upang makapagbigay ng katiyakan at katahimikan sa mga magsasaka na siyang kailangan para sa produksiyon ng masustansiya at “sustainable” na pagkain para sa lahat.
Sa mas malawak na konteksto, mas mainam kung ang teknolohiya ay mas flexible o may kakayahang umangkop sa anumang epektong pangmatagalan, mga posibleng panganib at pang-aabuso.
Ang teknolohiya ay dapat na nililikha nang may maliit na epekto lamang sa kalikasan. Dapat din itong may kakayahang tumugon sa ‘di pagkakapantay-pantay, at aktibong tumaguyod sa panlipunang katarungan.