NAKATAAS ang alerto sa mga airport na hawak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan at sa nalalapit na selebrasyon ng Bagong Taon.
Ito ay alinsunod sa tinatawag na ‘Oplan Biyaheng Ayos, Pasko 2019’ na nagsimula nitong Disyembre 16, 2019 at matatapos hanggang Enero 5, 2020.
Nagtalaga rin ang CAAP ng karagdagang securiry personnel para sa kaligtasan ng mga paliparan.
‘No leave and day off’ din ang pinaiiral sa mga personnel para maging smooth ang operations ng 40 CAAP -managed commercial airport.
Katulong ng CAAP ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na kinabibilangan ng Office for Transportation Security (OTS), Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (PNP-Avsegroup), upang maprotektahan ang kapakanan ng mga pasahero.
Para naman sa mabilis na pagproseso sa mga check in counters ay nakipag-coordinate na sa airlines company kaya pinaalalahanan ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal sa loob ng eroplano.
Inaasahan ng CAAP sa Disyembre 31 ang malaking volume ng mga pasahero na dadagsa sa iba’t ibang paliparan. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.