HAITI – BINALOT ng takot ang mga Filipino at mga residente dahil sa riot na nagtagal nang dalawang linggo sa bansang ito.
Sa ulat, matinding sama ng loob ng mga residente sa lugar na nauwi sa kagulugan dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Inaasahang 38 percent ng presyo ang idaragdag sa gasolina, 47 percent sa diesel, at 51 percent para sa kerosene.
Sa mensaheng ipinadala ni Mich Pasuquin, Pinoy na nakabase na sa Port-au-prince, nagsimula ang riot ng mga Haitians noong Hulyo 6 kasabay ng pag-anunsiyo ng Haitian government sa oil price hike.
Pinasok umano ng mga nagra-riot ang mga palengke at nagsusunog pa ng used tires sa mga daan.
Sarado na rin ang mga business establishments dahil sa gulo hanggang sa dumating sa punto na na-stranded ang ibang mga Pinoy at piniling mag-check-in sa mga hotel para makaiwas sa riot.
Kaugnay nito, gumawa ng group chat ang mga Filipino para malaman kung ano ang nangyayari sa paligid at para na rin ma-monitor ang isa’t isa.
Ayon sa report, dalawang katao na ang namatay dahil sa riot habang bumaba na rin sa puwesto si Haiti Prime Minister Jack Guy Lafontant dahil sa no confidence vote.
Ang price increase ay parte ng agreement sa International Monetary Fund, na nag-oobliga sa mga bansa na magpatupad ng economic reforms para maka-access ng pondo. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.