HINDI problema ang suplay ng itlog ng manok kundi ang demand nito, ayon kay Philippine Egg Board Association Chairman Gregorio San Diego.
Ito, aniya, ay dahil kaunti ang itlog na binibili ng mga Pilipinong may maliit lamang na budget.
Paliwanag ni San Diego, sakaling hindi bumilis ang paggalaw ng suplay ng itlog sa merkado ay walang magagawa ang mga tindero kundi taasan ang presyo ng produkto upang mapunan ang kanilang pagkalugi.
Nagiging dahilan din, aniya, ito para ibaba ng mga producer ang farm gate prices ng itlog upang maibenta.
Sa ngayon ay nasa P5.50 hanggang P5.70 ang presyo ng kada piraso ng medium size na itlog mula sa dating P6.20.
Nabatid sa ilang analysts na dahil sa inflation ay nabawasan ang mga mamimili sa mga pamilihan.
DWIZ 882