KABILANG ang mga Pinoy sa 157 katao na inilikas mula sa Sudan sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng Sudanese forces at ng paramilitary groups, ayon sa Saudi Arabian Ministry of Foreign Affairs.
Sinabi ng ahensiya na isinagawa ang paglilikas ng Royal Saudi Naval Forces sa tulong ng mga sangay ng armed forces.
“The number of citizens who were evacuated reached 91 citizens, while the number of people who were evacuated from brotherly and friendly countries reached approximately 66, representing the following nationalities (Kuwait, Qatar, the United Arab Emirates, Egypt, Tunisia, Pakistan, India, Bulgaria, Bangladesh, the Philippines, Canada, and Burkina Faso),” pahayag ng Saudi foreign ministry sa isang statement noong Sabado ng gabi.
“The Kingdom worked to provide all the necessary needs of foreign nationals in preparation for their departure to their countries,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. noong Sabado na naghahanda na ang Philippine government para ilikas ang mga nalalabing Pinoy sa Sudan sa kabila ng kawalan ng functioning airports at secure land routes sa bansa magmula nang sumiklab ang kaguluhan noong April 15.
Sa datos mula sa Philippine Embassy sa Cairo, tinatayang may 400 Pinoy sa Sudan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 86 Pinoy sa Sudan ang humiling ng repatriation.
Kinumpirma rin ng DFA na isang Pinoy ang nasaktan sa Sudan conflict subalit nasa mabuti nang kalagayan.