MGA PINOY SEAMAN DINUKOT SA KARAGATAN?

Equatorial Guinea

GUINEA – KINUKUMPIRMA pa kung may  Filipino seafarers sa pitong  crew ng oil tanker na dinukot sa Equatoril Guinea noong nakalipas na linggo.

Ayon sa tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration patuloy na nakiki­pag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang pagdukot ng mga pirata sa pitong crew ng oil tanker sa Equatorial Guinea.

Sa ulat na nakarating sa POEA at OWWA, nasa 15 crew ng nasabing barko ang kinabibilangan ng Serbian, South Africa, Cameroon at mga Pinoy.

Ayon sa US oil giant na ExxonMobil na nakapagtago ang walong crew ng pumanhik sa oil tanker ang mga pirate habang natangay naman ang pitong iba pa.

Nabatid sa nakalap na ulat ng DFA, nagmula ang barko sa Zafiro at patungo sana ito sa southern island ng Bioko.

Bigo pang makakuha ng updates ang DFA sa kompanya at kung magkano ang hinihinging ransom  ng mga kidnapper. VERLIN RUIZ