MULING isasalang sa marksmanship training ang libo libong kagawad ng Philippine National Police (PNP) gamit ang ibat-ibang uri ng armas para mas mapagaling pa at mahasa ang kanilang shooting skills.
Layunin ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan na hindi lamang maging magaling na mga imbestigador ang mga pulis, kailangan na magal-ing din silang shooter .
Naniniwala si Cascolan sa sandaling maging episyente ang mga pulis, tiyak na mas magiging epektibo ang mga ito sa kanilang trabaho lalo na sa pag-iimbestiga sa mga kasong hawak nila.
Sisiguraduhin din na istriktong susunod ang mga ito sa rule of law na may pagrespeto sa karapatang pantao.
Partikular na tutukan sa gagawing pagsasanay ang rules of engagement, ang pagkakaroon ng decisive stance ang mga pulis kung kailan kailangan bumunot ng baril at magpaputok at saan dapat barilin ang isang suspek sa sandaling mahaharap sila sa isang krisis.
Sinabi ni Cascolan layon lamang ng nasabing hakbang para maiwasan ng mga pulis na malagay sila sa alanganin at mabalikan sa kanilang maling desisyon lalo na sa pagbaril sa isang suspek
Nilinaw naman ni Cascolan na ang pagsasailalim muli sa shooting training sa mga pulis ay hindi ibig sabihin mahina pumutok ang mga ito.
Paliwanag pa ng heneral, ang kanilang objective ay magkaroon ng confidence build up sa kapulisan lalo na yung mga nasa lansangan.
Sa nasabing pagsasanay, tuturuan ang mga pulis kung paano gamitin, pangalagaan at makabisa ng ibat-ibang uri ng baril. VERLIN RUIZ
Comments are closed.