CAMP CRAME-MANANATILI ang mga pulis na nakatalaga sa tinatawag na security detail ng mga opisyal ng gobyerno at iba pang personalidad
Ito ang paniniyak ni P/BGeneral Restito Gatera, hepe ng Police Security Protection Group sa gitna ng ulat na ilang unit ng PNP ang binawi ang mga nakatalagang security detail
Paglilinaw ni P/BGen Gatera na may otoridad ang mga police regional at provincial office na bawiin ang mga security detail lalo na kung may sapat na basehan
Sa panig aniya ng PSPG ay nananatili rin silang handa na magtalaga ng mga pulis para magbigay proteksyon sa mga indibidwal na naaprubahan ang hiling para sa pagkakaroon ng security detail
Kabilang dito ang mga humingi ng saklolo sa PNP dahil sa mga tinatanggap na pagbabanta sa buhay at mga kinatawan ng ibang mga bansa dito sa Filipinas
Una rito, nasa 30 police escorts ng mga VIP at mga opisyal ng gobyerno sa Negros Oriental ang binawi ng Provincial Police Office para maitalaga sa mga tungkuling nakatutok sa paglaban sa Covid 19. EC
Comments are closed.