MGA PULIS NA SANGKOT SA STL TUKOY NA 

STL

CAMP CRAME – INI­UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa PNP Directorate for Investigation and Detective Management  (DIDM) ang pagtukoy sa mga active police officer na nasangkot sa Small Town Lottery (STL) operations.

Ito ay matapos na makakuha ng impormasyon si Albayalde na may mga active police officer sa Cebu, Bohol at Camanava rito sa Metro Manila ang umano’y nag-operate ng STL.

Sa pahayag ng PNP chief,  legal man o ilegal ang STL hindi dapat na nasasangkot sa numbers game ang mga pulis dahil paglabag ito sa Civil Service Code kung saan lahat ng empleyado ng gobyerno ay bawal mag sugal.

Inihayag pa ni Alba­yalde na mayroong senior officer ang nasangkot sa pag-promote ng STL bago pa ipahinto ng pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon nito.

Hindi na binanggit ng PNP chief ang pangalan ng senior officer pero magsasagawa sila ng validation sa impormasyon para mapatawan ito ng nararapat na parusa kapag natapos na ang imbestigasyon. REA SARMIENTO

Comments are closed.