MGA SINTOMAS KUNG AATAKIHIN SA PUSO

Traydor ang sakit sa puso kaya ito ang nangu­ngunang sanhi ng kamatayan saan mang panig ng mundo. Ang alam ng lahat, paninikip lamang ng dibdib at upper body pain ang sintomas nito, pero hindi po. Kailangang malaman pa natin kung ano pa ang ibang sintomas ng heart attacks para sakaling maramdaman ninyo ito ay agad kayong makapunta sa duktor. Heto po ang mga signs and symptoms.

MABIGAT NA PAKIRAMDAM SA DIBDIB.

Ito yung alam na alam natin. Yung parang pinipiga ang puso, masakit ang gitna ng dibdib, parang may nakadagang mabigat sa dindib, yung parang punung puno na hindi mo mawari. Nagtatagal ito ng ilang minute.

SAKIT SA IBA PANG BAHAGI NG KATAWAN.

Hindi lang sa dibdib ang nararamdaman kapag may heart attack kundi sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng likod, balikat, braso, leeg o panga. Kung may problema sa puso tulad ng baradong artery, mati-trigger ang nerves sa puso upang magsabing may problema sa katawan kaya nakakaramdam ng sakit. Kung ikukunsidera ang vagus nerve na konektado hindi lang sa puso kundi maging sa utak, dibdib, tiyan, at leeg, mararamdaman ninyo ang sakit sa iba pang parte ng katawan.

PAGKAHILO.

Maraming dahilan para mahilo. Halimbawa, kung kulang ang tubig sa katawan, kung hindi ka kumain, o kung matagal kang nakatayo. Pero kung ang pagkahilo ay may kasamang pag-ikot ng pa­ningin at pana­nakit ng dibdib, pangangapos ng hininga, pagbaba ng blood volume at blood pressure, ma­lamang, inaatake ka na sa puso.

PAGOD.

Wala ka namang ginawa pero pagod ka. Aba, ibang usapan yan. Magtaka ka na at kumunsulta sa duktor, dahil baka inaatake ka na sa puso.

NASUSUKA O HINDI MATUNAWAN.

Sintomas din ng atake sa puso ang gastric symptoms tulad ng parang pinipilipit ang bituka, pagsusuka, o belching develop kung ang puso at iba pang bahagi ng katawan ay hindi nakakatanggap ng sapat na blood supply. Minsan, akala mo lang, acid reflux o heartburn, pero kadalasan, sintomas na ito ng atake sa puso.

PINAGPAPAWISAN NG MALAMIG.

Liban na lang kung nagme-menopause ka o katatapos lang mag-exercised, kataka-taka kung pinagpapawisan ka ng malamig. Maaaring sanhi ito ng atake sa puso. Kapag inaatake sa puso, nilalabanan ng inyong nervous system ang anumang sanhi nito kaya ang katawan mo ay napupunta sa survival mode, na dahilan kaya pinagpapawisan ka ng malamig.

MABILIS NA PINTIG NG PUSO.

Kapag kinakapos ang puso ng sapat na blood supply, maraming maaaring mangyari sa katawan. Nagiging irritable ang puso kapag kulang sa nutrient-filled blood, na nagi­ging sanhi ng heart palpitations.Kung nagkakaroon ka ng heart palpitations, huwag kang mag-conclude agad na in love ka. Kumunsulta muna sa duktor, dahil baka inaatake ka sa puso.

PANGANGAPOS NG HININGA.

Dati, madali lang sa’yong magmanhik-manaog sa hagdan, pero ngayon, hindi na. Lagi kang parang kinakapos ng hininga. Kumunsulta sa duktorat sabihin ang lahat ng nararamdaman mo. Better safe than sorry. JAYZL VILLAFANIA NEBRE