MGA SUSPEK SA ILLEGAL SALE SA SEIZED ITEMS NG BOC TIMBOG

arrested bomb jokes

NAARESTO ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs – Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS), BOC-Enforcement and Security Service (ESS) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nasa likod ng ilegal na pagbebenta ng mga nakumpiskang kargamento sa Aduana.

Naisakatuparan ang pag-aresto sa mga suspek nitong Hulyo 12, 2019, sa isinagawang operasyon ng CIIS at ESS sa koordinasyon ng PNP na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cesar G. Padayos, Chief, CIDG ng Anti-Transnational Crime Unit (ATCU).

Batay sa inisyal na report  ng BOC Intelligence Group (IG), ang modus nitong grupo na nagpo-post sa social media  ay nagkukunwaring mga empleyado ng  BOC ng vehicle for sale sa mababang halaga at may “lock-in” agreement para madali ang bentahan.

Ang ginagawa nitong grupo  ay iniimbita  ang kanilang bibiktimahin malapit sa opisina ng BOC upang maniwala na mga empleyado sila ng Customs para makumbinsi ang buyer.

Dito na nagkasa ng entrapment operation ang operatiba ng  CIDG, ESS, at CIIS. Sa gate 1 sa Port of Manila kung saan agad na nadakip ang mga suspek na sina Primo Baldon at Richard Lagrolia.

Ang dalawang supek ay nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng CIDG dahil sa  pagbebenta ng mga kargamento sa BOC nang walang permiso mula sa kinauukulan. F MORALLOS

Comments are closed.