(Mga traffic violator na magne-name drop sa police official kulong) CALLING CARDS  AT “PADRINO” BINURA NI GAMBOA

Archie Gamboa4

CAMP CRAME – PI­NAIGTING ni Philippine National Police –Officer in Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang pagiging matuwid at pagsunod sa protocol sa kanilang orga­nisasyon kasunod ng direktiba nito na huwag patulan ang mahihilig sa name dropping o pagpapakita ng calling card ng mataas na opisyal para lamang hindi madakip kung may nilabag.

Ayon kay Gamboa, nagiging kasanayan na kapag may nasisitang nagkamali lalo na sa traffic violations ay pinapakawalan kapag nagsabi na kaibigan o kaanak ng isang mataas na opisyal o kaya naman ay pagpapakita ng calling card ng pulis.

“Ignore name-droppers and  people who flash calling cards of high-ranking police and government officials just to get out of tight situations including simple traffic violations,” ayon sa direktiba ni Gamboa sa kanyang mga tauhan.

Pahayag pa ng opisyal na hindi na nila pagbibigyan ang sinumang magkamali at dapat sundin ang batas.

“We will no longer tolerate this. Anyone who will not enforce the law just because somebody tells them that he is a friend of some government big shot will be charged administratively for negligence. Bawal na ang mga nagpapasindak sa mga nagpapakita ng mga calling card,” ani Gamboa.

Ginawa ni Gamboa ang direktiba bilang pag­hahanda sa inaasahang masikip na trapiko na magreresulta ng maraming violations na ang iba kapag nasisita ay magsasabi ng kaibigan o kamag-anak ng mataas na opisyal o kaya naman ay magpapakita ng calling cards.

Aniya, hindi na puwede ang ganoong sistema at inatasan na huwag pansinin ang mga palusot sa halip ay sumunod sa batas at kung may pagkakamali ay dakpin.

Una nang ipinag-utos ni Gamboa ang ma­ling paggamit ng wang wang at blinkers at gagamitin lamang ito ng awtorisadong yunit ng law enforcer. EUNICE C.

Comments are closed.