QUEZON CITY – WALA pang hawak na listahan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga local government unit (LGU) na sumunod sa kautusang paglilinis at pagpapaluwag sa mga kalsada.
Sa pahayag ni DILG spokesman Jonathan Malaya, hindi pa nila maidedeklara ang mga tumalimang bayan, munisipalidad at lungsod sa pag-aalis ng lahat ng sagabal sa kani-kanilang kalsada sa loob ng 60 araw.
Aniya, isasagawa ang assessment sa mga LGU pagkatapos ng ipinataw na deadline sa Setyembre 29.
Ipinag-utos na aniya ni DILG Secretary Eduardo Año sa kanilang validation teams na suriin kung sumunod ang mga LGU sa kanilang kautusan ukol sa paglilinis sa mga kalsada. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM