MICRO TOURIST BIZ PINAAAYUDAHAN

Francis Tolentino

DAPAT na maisama sa mabibigyan ng ayuda ang mga maliliit na negosyo sa tourist spots na naapektuhan ng krisis na dulot ng COVID-19, ayon kay Senador Francis Tolentino.

Sa kanyang paliwanag sa talakayan sa Senado kaugnay sa Senate Bill No. 1564 o ang Bayanihan to Recover as One Act, sinabi ni Tolentino na 80 porsiyento ng mga negosyo sa tourist destinations sa bansa ay maliliit.

Ani Tolentino, ang pagkakaloob ng tulong sa mga naapektuhang negosyo ay makatutulong para muling mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

Isinusulong ng senador ang pagbuo ng isang tourism roadmap para matugunan ang mga pangangailangan ng mga maliiliit na negosyo sa sandaling magbalik na sa operasyon ang domestic tourism sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

“This bill should include ways on how jumpstart our tourism industry. The creation of a roadmap would provide us with glimpse on how our tourism would address this. Paano ba babangon ang tourism natin?” ani Tolentino.

Pinatutulungan din niya sa LGUs ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng Barangay Micro Business Enterprises (BMBE) Act.

 

Comments are closed.