MID-YEAR BONUS SA SEAG MEDALISTS

POC-Philippine Southeast Asian Games

IDINAOS ang kumpetisyon noong Mayo ngunit ang cash incentives na may kabuuang P11.150 million mula sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pamamagitan ng partners nito ay dumating bilang mid-year bonus para sa 417 atleta na nagwagi ng medalya —individual at team— sa Vietnam 30th Southeast Asian Games.

“The medalists in Hanoi are in for a surprise,” wika ni POC President at Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

“Most of these medalists may not know it yet, but once they check their LandBank accounts, they’ll find out about the bonuses from the POC.”

Hindi alam ni John Derick Farr na idineposito na ng POC— sa pamamagitan ng deputy secretary general for international events ni Tolentino na si Bones Floro— ang kanyang P10,000 bonus para sa bronze medal na kanyang nakopo sa men’s downhill.

“I haven’t checked my bank account yet, but I’m thankful to the POC, especially Cong. Bambol, for the bonus,” sabi ni Farr, isa sa tatlong cycling bronze medalists sa Vietnam SEA Games na idinaos noong Mayo 12-23.

Ang MVP Sports Foundation ni telco tycoon Manuel V. Pangilinan, San Miguel Corp. ni president and CEO Ramon S. Ang at Ulticon Builders Inc. ni Charlie Gonzalez ang major benefactors ng bonuses.