MASUWERTENG nakabalik na ng bansa ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix matapos bagyuhin ng husto ang bansang Japan, kung saan mag-isang nagselebreyt ng kanyang kaarawan.
Dati-rati, pag kaarawan ni Miguel at may okasyon siya ay laging naroon ang suporta ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali, pero this year, ay nagliwaliw lang mag-isa sa Japan at ini-enjoy ang pagkain magagandang tanawin sa naturang bansa.
Sa ngayon ay lie low muna si Miguel sa kanyang showbiz career para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Halos lahat kasi sa pamilya ni Miguel ay nakatapos ng kolehiyo tulad ng kanyang mga magulang kung kaya minarapat ni Miguel na sundan ang yapak ng kanilang pamilya at magbawas ng load sa mga commitments sa showbiz.
And speaking of Bianca Umali, pinagpistahan talaga ng husto ang two-piece white bikini photos niya na pinost ng young actress sa kanyang social media account. Kitang-kita ang kanyang skin-toned na balat. Maging ang ang rumored boypren na si Ruru Madrid ay napatulaley sa kaseksihan ni Bianca.
ENCHONG DEE NABA-BASH SA PAGLALABAS NG SALOOBIN SA BAYAN
ISANG masiglang Enchong Dee ang humarap sa ilang press people nitong nakaraang 33rd PMPC Star Awards for Television na ginanap sa Ateneo de Manila University Henry Lee Auditorium. Hindi na rin lingid kay Enchong Dee na katakot-takot na bashers ang natatanggap niya sa mga social media comments na may kaugnayan sa political isyu.
Dahil natuturingan anti-Duterte ay tuloy lang si Enchong sa pagpapahayag ng kanyang saloobin na may kaugnayan sa politics. Hindi naman kaya way lang ito ni Enchong na ‘mag-ingay’ para sa kanyang political ambition in the near future?
Ani ng Kapamilya actor, wala raw siyang kabalak-balak pasukin ang magulong mundo ng politics, masaya na raw siya kahit barya-barya lang ang kanyang kinikita sa showbiz world.
Bilang isang Pinoy ay masasabi ni Enchong na isa siyang makabayan at gusto niyang marinig ng sambayanan ang kanyang personal na opinion sa mga isyu na lumalabas ngayon. ‘Yun lang daw ang tanging purpose niya kung bakit ay may puna siya sa kasalukuyan administrasyon. Okey lang daw kay Enchong na palagian siyang tinitira ng mga negatibong komento sa socmed, karapatan daw naman ito ng sinumang makabayan na ilabas ang kanyang saloobin.