NAGING malaking pasabog ang ginawang pagsisiwalat ni Alexa Ilacad tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay ng ex na si Nash Aguas.
Nawindang din ang publiko sa lalim ng away ng mag-ex kung saan umalma ang aktres sa ginawa umano ng young actor na pagkakalat ng balitang nanlalake ito.
Kung may ipino-promote mang movie ang Kapamilya actress, definitely hindi ito makatutulong sa kanyang pelikula.
Hindi pa rito natapos ang kanyang rebelasyon, dahil nang mag-guest siya sa TV, kinumpronta pa nito ang dating nobyo sa pahayag diumano nito na sobrang in love ito kay Mika for 13 years.
Nag-react kasi ang aktres sa naging komento ni Nash na 13 years na siyang in love kay Mika kaya napilitan itong tanungin nang deretsahan ang ex kung sa 13 years na iyong sinasabi niyang relasyon nila ng Kapuso actress ay nasaan siya.
“Napa-isip ako when I read that ’13 years’ thing… Kasi inside the 13 years, I was there. So when you say na 13 years, and I still love you, where was I?” hirit ni Alexa.
Dahil sa naging pahayag ni Alexa, hindi naman napigilan ng current girlfriend ni Nash na si Mika dela Cruz na maglabas ng kanyang saloobin at ipagtanggol ang nobyo sa pamamagitan ng cryptic message nito sa kanyang social media account.
Bagama’t walang deretsahang binabanggit na pangalan, obvious na si Alexa ang pinatutungkulan ng young actress.
Sey niya: “Wala lang sayo pero ‘di mo inisip ‘yung mararamdaman niya kasi alam mong hindi siya aalis, hahabulin ka naman… “Tas pag finally pagod na ‘yung tao sayo at sa ways mo… tsaka mo ngayon mare-realize ‘yung weight ng mga bagay na nagawa mo at ‘di mo nagawa. Tapos magsisisi ka… “Papaka-bitter ka na lang kasi alam mong kahit anong gawin mo, hindi mo na siya maibabalik… Kasi alam mo sa sarili mo kahit anong ibang rason pa ang halungkatin mo… ikaw yung nagkulang.”
Dahil sa pasabog ni Alexa, hinihintay ng netizens ang magiging pahayag ni Nash na kung paniniwalaan ang sinasabi ng una ay lumalabas na isang “kiss and tell” and “ungentlemanly” dahil sa kanyang pagkakalat ng ‘di kaaya-ayang balita tungkol sa ex.
Dawit din sa isyu ang dating ka-loveteam ni Nash na si Sharlene San Pedro na umano’y kasama ng actor sa pambu-bully sa kontrobersyal na aktres noong “Goin’ Bullilit’ days.
Comments are closed.