MILITAR AT REBELDE ‘NAGPALIGSAHAN’ NG LAKAS

baril

CAGAYAN – HINDI engkuwentro kundi mistulang nagpaligsahan ng lakas ng puwersa ang militar at umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa  Buguey.

Ito ay nang magising ang mga residente sa lugar sa palitan ng mga putok na bandang huli ay napag-alaman na mula sa miyembro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) katuwang ang mga CAFGU Detachment Centro 1, Villa Cielo, Cagayan,

Sinabi ni P/Capt. Joel Labasan ng PNP Buguey, alas-9:30 ng gabi nang marinig ang tatlong putok ng baril mula sa CAFGU detachment.

Nakarinig din ng sunod-sunod na putok ng baril na hindi kalayuan sa CAFGU detachment na pinaniniwalaang mula sa mga makakaliwang kilusan.

Aabot sa sampung minuto ang sagutan ng putok.

Ayon kay Lt. Lyod Urbeta ng17th Infantry Bata­lion Philippine Army, maaaring mga miyembro ng Henry Abraham Command (HAC) ang nagsagawa ng pag-atake sa nasabing CAFGU detachment upang takutin ang mga tropa. IRENE GONZALES

Comments are closed.