MILITAR PASOK SA BOC

AFP-3

MGA military personnel na ang manga­ngasiwa sa operasyon ng Bureau of Customs.

Ito ay makaraang atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang technical group na muna ng tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinabibilangan ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force na ang magsasagawa ng pagsusuri sa mga kargamentong lalabas sa BOC.

“They will be replaced all. All of them by military men. It will be a takeover of the Armed Forces in the matter of operating in the meantime while we are sorting on how to effectively meet the challenges of corruption in this country,” wika ng Pangulo.

Sa kanyang talumpati noong Linggo ng gabi sa Davao City ay sinabi pa ng Pangulo na ma­ging ang Customs intelligence officers at Customs Police ay itatalaga sa floating status.

Ang mga nabanggit na tauhan ng BOC ay ilalagay sa gymnasium ng Malakanyang upang doon mag-opisina sa halip na sa BOC.

“Maybe I’ll issue a memorandum. They will hold office there at Malacañang gymnasium,” giit pa ng Pangulo.

Noong nakaraang linggo ay inalis ni Pa­ngulong Duterte si Isidro Lapeña sa BOC at inilipat sa TESDA bunsod ng muling paglusot ng 6.8 bilyong pisong halaga ng shabu.

Sa bagong sistemang ipatutupad sa BOC upang matiyak na dadaan sa masusing pagsusuri ang mga kargamento sa ahensiya ay mangangailangan ito ng tatlong pirma bago mailabas.   EVELYN QUIROZ

LACSON NAGBABALA SA AFP SA PAG-TAKEOVER SA CUSTOMS

NAGBABALA si Senador Panfilo Lacson sa Armed Forces of the Philippines ( AFP) at pinag-iingat ang mga militar  kasunod ng kanilang takeo-ver sa Bureau of Customs operations.

Ayon kay Lacson, dapat nang matuto ang gobyerno sa naganap noong dekada sisenta nang magtalaga ng mga bata at mahuhusay na military officials sa BOC ang gobyerno kung saan nagpakita ito ng magandang performance.

Gayunpaman, gu­magamit umano ang mga smuggler ng magagan­da at mahuhusay na tao upang impluwensiyahan ang mga opisyal.

Paliwanag ni Lacson, nangangahulugan ito na gagamit ng iba’t ibang paraan ang mga sindikato upang maipagtagumpay ang kanilang mga masasamang plano na dapat pag-ingatan ng gobyerno.

Iminungkahi naman ng senador ang pi­naigting na counter-intelligence operations at ang paglalagay ng watchdogs upang mapanatili ang kaayusan sa BOC.

Payo pa ni Lacson sa mga opisyal na magte-takeover sa BOC, sundin ang leadership by example at hindi lamang sa mga salita.    VICKY CERVALES

 

Comments are closed.