CAGAYAN-TUMAGAL ng mahigit sa 20 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng mga miyembro ng military at New People’s Army (NPA) sa may Barangay Bural, Rizal sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Lt. Allen Tubojan ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap ang kanilang grupo ng sumbong sa presensiya ng mga makakaliwang kilusang ang gumagala sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad na nagtungo sa lugar ang mga militar mula sa 17th IB, 77TH Battalion, Philippine Marines at PNP at habang papalapit ang grupo ng pamahalaan ay sinalubong sila ng putok na tumagal ng mahigit sa 20 minuto ang bakbakan.
Nabatid na nakasagupa ng grupo ng pamahalaan ang West Committee ng NPA sa lalawigan ng Cagayan.
Narekober sa pinangyarihan ang walong improvised explosive device (IEDs), dalawang rifle grenades, iba’t-ibang klase ng bala ng baril, pitong cellphones at iba pang dokumento habang patuloy ang isinasagawang manhunt operation sa mga nakatakas NPA. IRENE GONZALES
Comments are closed.