BUKIDNON – DALAWANG kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang napatay matapos makaengkuwentro ang militar sa Brgy. San Rafael, Talakag, Bukidnon, noong Linggo ng umaga.
Ayon kay BGen Edgardo De Leon, commander ng 403rd Brigade, kabilang sa mga napatay ng mga elemento ng 65th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt Neri, isa sa mga nasawi ay ang subordinate leader ng rebeldeng komunista.
Nakatanggap umano sila ng sumbong mula sa isang concerned citizen ukol sa presensya ng mga rebelde sa Brgy. San Rafael dahilan para ikasa ang operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan kung saan nakarekober din ang mga sundalo ng dalawang M16 at isang M14 riffle.
Samantala, sa bersiyon naman ng Mt. Kitanglad Command ng NPA, sinabing isang sundalo ang kanilang napatay at apat pa ang nasugatan.
Tuloy-tuloy ang hot pursuit operation sa mga umatras na NPA sa lugar ng Talakag nang pinagsanib na puwersa ng 403 Brigade; 2nd Mechanized Brigade; at 103rd Brigade ng Philippine Army.
Muling hinikayat ni Lt. Col. Benjamin Pajarito ang mga rebelde na sumuko at nangakong tutulungan ang mga ito sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.
Ayon kay Pajarito, hindi na dapat sayangin ng mga terorista ang kanilang oras sa bigong rebolusyon at dapat ituon na lang ng mga ito ang ka-nilang mga oras para sa pamilya at mga mahal sa buhay. VERLIN RUIZ
Comments are closed.