“ALL-IN, sends engineers to Cagayan”
Ito ang naging desisyon ng Northern Luzon Command (NOLCOM) matapos na pakilusin ang AFP Reserve Force para tumulong sa gagawing full blast rehabilitation sa Region 2.
Ipinag-utos ni NOLCOM Commander Maj.Gen Arnulfo Marcelo Burgos ang deployment ng military engineers para tulungan ang mamamayan ng Isabela at Cagayan na malubhang napinsala ng mga naganap na pagbaha at landslide dulot ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Burgos, ang nasabing hakbang ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang lahat ng available assets para mapabilis ang ginagawang recovery efforts sa Cagayan Valley.
Base sa datos ng AFP, may tatlong engineer construction battalions na strategically deployed sa Northern at Central Luzon.
“Such is a calculated and proactive move in preparation for the next logical step in post-disaster operations. They have learned in the AFP’s long history of being first responders in times of calamities,” diin ni Burgos.
Katulad ng mga regular at reserve forces, ang nasabing karagdagang manpower at equipment ay ilalagay sa pangangasiwa ng Joint Task Force Tala, operating arm ng NOLCOM sa Region 2 na nagtatrabaho ng sabayan kasama ng Emergency Operations Center ng Cagayan Valley’s Office of Civil Defense at gobernador ng Cagayan at Isabela sa pamamagitan ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
“This crisis showed our nation and the international community that the AFP’s state of the art equipment acquired through the modernization program are not only tools for war but, more importantly, they are tools to save Filipino lives and tools that give hope amidst the uncertainties of calamities,” giit pa ni Burgos. VERLIN RUIZ
Comments are closed.