PARATING ngayong Agosto sa Pilipinas ang milyon milyong doses ng COVID-19 vaccine ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez
Sa Talk to the People ni Presidente Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi ay iniulat ni Galvez na parating na sa bansa ang mga doses ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Sinopharm.
Aniya, ang parating na 1 milyong doses ng Sinopharm ay donasyon ng China sa Pilipinas na darating sa Agosto 21.
Parating din ang tatlong milyong doses ng Sinovac sa ikaapat na linggo ng Agosto, habang ang Pfizer at Moderna ay magpapadala ng 727,850 at 2.2 million doses.
Ang shipment ay bahagi ng vaccine procurement ng pamahalaan at ng private sector.
“Also, 3 million doses of COVID-19 vaccines from the COVAX vaccine-sharing program will be delivered to the country this month,” ayon kay Galvez.
Sa Metro Manila, may kabuuang 9.1million doses na ang nabakunahan hanggang Agosto 8.
Nasa 50.91 percent lang ang puntiryang populasyon sa Metro Manila na mabakunahan ng unang dose.
Habang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Soccsksargen, at Central Visayas na naitalang mababa sa COVID-19 vaccination rates, ay mayroong 10 percent ng populasyon para makamit nito ang proteksyon.
“Ito po gagawan natin ng paraan para makapag-increase ng kanilang percentage lalong-lalo na itong sa Region VII dahil sa ngayon ay nagkakaroon po ng surge,” ayon pa kay Galvez. EVELYN QUIROZ
467180 701053Enjoyed reading this, very good stuff, thankyou . 767384
589945 702843Spot lets start on this write-up, I seriously believe this remarkable internet site requirements considerably more consideration. Ill more likely once once more to read a terrific deal more, numerous thanks that information. 209803
130186 73394Oh my goodness! an exceptional post dude. Many thanks However We are experiencing problem with ur rss . Dont know why Not able to sign up to it. Could there be anybody acquiring identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 504429
101941 728371Ich kenne einige Leute, die aus Kanadakommen. Eines Tages werde ich auch dorthin reisen Lg Daniela 501429