INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na mahigit sa 180,000 health workers, 164,000 uniformed personnel at milyon-milyong senior citizen, tatlong milyong indigents at 164,000 uniformed personnel ang kabilang sa master list ng pamahalaan para sa gagawing paglalatag ng COVID-19 vaccination program sa mga susunod na araw.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na siya ring tagapagsalita ng DOH, hanggang nitong Pebrero 16, kabilang na sa Vaccine Information Management System ng Department of Information and Communications Technology ang may 186,562 healthcare workers, mahigit 1.4 milyong senior citizens, tatlong milyong indigents at 164,000 uniformed personnel.
Sinabi ni Vergeire na karamihan sa mga naturang healthcare workers ay mula sa mga eligible hospital na isasama sa inisyal na pagbabakuna gamit ang mga darating na Pfizer COVID-19 vaccines.
Una nang sinabi ng DOH na nasa 34 na pagamutan sa Metro Manila, Cebu, at Davao ang magiging bahagi ng inisyal na rollout ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech.
Gayunman, sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa ng delivery ngunit inaasahang darating ang mga ito sa bansa bago matapos ang Pebrero. Ana Rosario Hernandez
Comments are closed.