MINAMADALI na ng Department of Labor ang Employment (DOLE) ang konstruksiyon ng kauna-unahang ospital para sa overseas Filipino workers (OFWs) at inaasahang matatapos ito ngayong taon.
Nitong nakaraang linggo ay bumuo si Labor Secretary Silvestre Bello III ng isang top-level committee na mamumuno sa pagbili ng mga gamit para sa ospital at sa pagkuha ng medical personnel na mangangasiwa sa pasilidad sa Pampanga.
Ang Committee on the Construction of the OFW Hospital and Diagnostic Center Project sa ilalim ng Administrative Order No. 89, series of 2021, ay kapwa pamumunuan nina Undersecretaries Renato L. Ebarle at Ana C. Dione. Layon nito na mabenepisyuhan ang mga overseas Filipino worker at ang kanilang dependents.
Ang Ebarle-Dione panel ay binubuo ng dalawang Technical Working Group — para sa Human Resources na siyang mamumuno sa pagkuha ng medical personnel na mamamahala sa operasyon ng ospital at para sa Bidding and Procurement of Hospital Equipment. Ang huling nabanggit ang naatasang mangasiwa sa bidding process at pagkalap ng sapat na budget para sa pamamahala at operasyon ng ospital, sa pakikipagtulungan sa Health Department.
Isang kasunduan sa pagitan ng Provincial Government ng Pampanga at ng DOLE para sa konstruksiyon ng medical facility sa Barangay Sindalan, San Fernando, Pampanga ang nilagdaan noong nakaraang taon. Naantala ang konstruksiyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang provincial government ng lote kung saan itatayo ang pasilidad.
Bukod sa DOLE at Pampanga provincial government, kasama rin sa proyekto ang Department of Health (DOH), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Bloomberry Cultural Foundation.
Sa P550 milyong budget para sa 100-bed capacity ng ospital, P400 milyon mula sa Bloombery ang inilaan para sa konstruksiyon ng gusali at ang natitirang P150 milyon mula sa PAGOR ang inilaan sa pagbili ng mga gamit para sa ospital.
Ang ospital para sa mga OFW ay inisyatibo ni Secretary Bello na inaasahang isa sa ipamamana ng administrasyong Duterte bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ng mga bagong bayani sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. LIZA SORIANO
425332 409396These kinds of Search marketing boxes normally realistic, healthy and balanced as a result receive just about every customer service necessary for some product. Link Building Services 289083
586149 497925Thank you for your quite excellent data and feedback from you. san jose used car 67001
442472 612798I got what you intend, saved to favorites , very decent internet web site . 565174
246740 496858Ive writers block that comes and goes and I want to locate a way to get rid of my writers block. It can occasionally be so bad I can barley make sentences. Any guidelines? 498219