MINERALS SA LUPA

SABONG NGAYON

BUKOD sa pagbigay ng tamang pagkain at suplemento, mai­nam din na nakatutuka  ng mineral sa lupa ang ating mga sisiw sa pagalaan o free range area upang maging maayos ang kanilang paglaki o growth development.

Kaya lang pagkalipas ng tatlong taon ay nade-deplete na diumano ‘yung mine­rals sa lupa kaya hindi gaanong malulusog ang mga pinalala­king sisiw sa alpasan base sa obserbasyon ng beteranong breeder/ cocker at multi-titled derby champion na si Mr. Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm.

Ayon kay Biboy, naging malaking challenge sa kanyang pagbi-breeding noon ang palipat-lipat ng range area.

“Umupa ako ng range sa labas dahil ang paniwala ko noon base sa experience ko na ginamit ‘yung range more than three years nade-deplete ‘yung minerals ng lupa, so pirmeng  pagbasal ang lulusog ng mga nakaalpas na palalakihing sisiw pero later on na-deplete na ‘yung minerals o kung ano-ano pang nakakain nila sa lupa so hindi na ganoon kasulog. Ang ginagawa ko mura lang kasi noon bundok-bundok kakausapin ko minsan iskwater lang doon may hawak silang lugar, uupahan ko ng tatlong taon ia-advance  ko ‘yung payment at P3,000 per hectare per year ganoon lang kamura pero aayusin ko rin ‘yung daan. Ang hirap dahil rasyon ng pagkain, rasyon ng tubig, at ‘pag nagpupurga doon ako nagpupunta at ‘di ko kilala ‘yung  mga tao, baka mga ganyan so may risk din sa security ko. After three years,  lipat na naman ako, hanap na naman ako ng 3 or 4 hectares,” ani Biboy.

Pero hindi na raw siya nagpalipat-lipat pa ng range nung  ipina­kilala sa kanya ‘yung ‘Secret Weapon’, isang uri ng mineral supplement, at kinuha pa siyang  product endorser nito.

“Pero sabi ko sa kanila bago ko i-endorse ‘yan, gusto ko muna malaman kung mabisa ‘yan, so inilagay ko sa range kasi sa tingin ko ‘pag na-deplete ‘yung minerals sa lupa hindi na sila ganoon  kalusog. So, gusto ko malaman, sinubukan ko kasi by section ‘yung akin eh, divided by lambat sabi ko dun sa nag-aalaga bigyan nito ‘yung isang range, ‘yung isa wala, tingnan natin,” ani Biboy.

Kinukulit umano siya  at pinapipirma na sa kontrata bilang pro­duct endorser pero sinabi niya na titingnan niya muna kung epektibo nga ba ang kanilang produkto.

“After three weeks pina-follow up na ako pero sabi ko teka muna ‘di pa ko sigurado kasi malulusog naman talaga mga patubo ko. Pero makalipas siguro ng 5 weeks hinipo ko, ‘yung may Secret Weapon parang basal uli ‘yung lugar, buka ‘yung mga katawan at punom-puno, ‘yun sa wala maluluwag, so sabi ko ayos ito hindi ko na problema ang pa­lipat-lipat ng range area. So ‘yung suplementong iyon ‘yun na lang ang gagamitin ko pumirma ako, so libre ang aking gamit. Pero sa ngayon kaya ko nang gumawa ng sarili ko galing kasi sa salt, sa dagat nila ginagawa, nagiging liquid sya at hinahalo sa inuming tubig,” dagdag pa niya.

Aniya, sa tagal na nya sa pagmamanok, gumagamit siya ng range area kasi importante ang kalusugan ng mga manok bukod sa proven bloodline.

“Napakaimportante ng health kasi warriors ‘yan eh, kailangan maganda ang bone and muscle development nila, and everything. ‘Yung protina naman sa paglaki basta alam lang ‘yung tamang pakain, tamang antas ng protina ma-maximize ‘yung growth rate ng mga manok pero alam ko naman ‘yun, so minerals na lang  to support it,” ani Biboy.

Ayon kay Biboy, umuupa lang siya  noon ng farm sa Antipolo pero nakahanap na siya ng permanenteng farm nung nag co-champion siya sa isang Christmas derby sa Roligon at ipinambili ng lupa ang kanyang na­panalunang P1 million sa Tanay.

“Sa Tanay naghanap talaga ako, gusto ko bundukin saka ‘yung area na ‘yan business ko noon Sulo Hotel para kung sakaling may importanteng meeting sa hapon puwede  akong su­maglit sa farm early mor­ning magawa ko ‘yun, gusto kong gawin maga­gampanan ko pa ‘yun sa Sulo Hotel. Kasi kung sa Batangas wala na the whole day ubos na oras ko, so doon nakahanap ako 4 hectares lang muna natawaran ko mura lang kasi gusto 40 pesos per square meter natawaran ko ng 25 pesos, so P1 million lang ‘yung 4 hectares. Sabi ko susuwertihin  ang farm na ito dahil katas ng sabong, doon din nanggaling. So dun nag-start sa 4 hectares hanggang sa lumaki na nang lumaki,” ani Biboy.

Dahil sa lumaki na ‘yung farm, may 52 farm employees si Biboy sa ngayon.

Aniya, may profit-sharing every 6 months ang kanyang mga tauhan at may incentives naman ‘yung naka-assign sa range base sa dami ng maha-harvest.

“May deduction kung may mga namamatay, pero may 5 percent allowance sila sa mortalities na walang kaltas pero after that may bawas na, ‘pag may nawala, mas mala­king bawas. Eh ‘yung  sa stocking naman mayroon  na ngayon early bird, off season, regular season, so tuloy-tuloy rin, happy na rin sila kasi una naiinggit sila dun sa may profit share, so pinataas ko ang kanilang bonus scheme,” ani Biboy.

Ayon sa kanya, kapag less than 50 percent ‘yung class A na harvest, mas maliit ‘yung incentives.