INIANUNSIYO ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang dress code na ipatutupad niya sa mga empleyado sa Hudikatura.
Collared shirts o may kuwelyong damit ang hiling ni Bersamin na isuot ng court employees.
Sa mga kababaihan naman ay ibinabawal ang mini skirts at shorts habang ang mga nagsusuot ng sleeveless shirts ay hiniling ng Chief Justice na magsuot ang mga ito ng blazer.
Mahigpit din ang bilin ni Bersamin sa mga empleyado na iwasan ang paggamit ng cellphone habang nasa pampublikong lugar o mataong lugar sa bisinidad ng mga korte o Hall of Justice.
Comments are closed.