MINIMUM WAGE SA KASAMBAHAY

KASAMBAHAY

PINAKIKILOS  ni House Committee on Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera-Dy ang local government units (LGUs)  para sa pagpapatupad ng minimum wage sa mga kasambahay.

Ayon kay Herrera-Dy, walang malinaw na mekanismo ang Department of Labor and Employment na titiyak na talagang na-susunod ang minimum wage na pagpapasuweldo sa mga kasambahay.

Sa ilalim ng Kasambahay Law na inaprubahan noong 2013, P2,500 pa ang itinakdang sahod para sa mga kasambahay sa NCR pero sa ilalim ng NCR wage board ay tumaas na ito sa P3,500 kada buwan.

Dahil dito, pinakikilos ni Herrera-Dy ang mga LGU na kinabibilangan ng mga mayor at barangay, na tiyaking nasusunod ang tamang pagpapasahod sa mga kasambahay.

Binibigyang kapangyarihan at inoobliga ang LGUs na magsagawa ng survey at inspeksiyon sa mga kabahayan para alamin kung napapasuweldo ng tama ang mga kasambahay.

Maaari namang resolbahin ng amo at kasambahay ang tamang pagpapasuweldo dito sa mismong ba-rangay na nakasasakop.        CONDE BATAC

Comments are closed.