BAGUIO CITY – “UNFAIR and it will kill the metallic minerals industry…”
Ito ang mariing tugon ni Dr. Walter W. Brown, chairman emiritus ng Apex Mining Company, Inc. at presidente ng Philippine Mine Safety and En-vironment Association (PMSEA), nang hingan ng reaksiyon sa inaprubahan ng House committee on ways and means na ‘fiscal regime’ sa local mining industry.
Ayon kay Dr. Brown, sa pamamagitan ng PMSEA, isang volunteer organization na siyang namumuno rin sa idinadaos na 66th Annual National Mines Safety and Environment Conference dito, ay kakatawanin nila ang lahat ng mining-related firms upang dumulog sa Senado.
Ito’y upang maipaabot, aniya, nila ang kanilang sentimyento hinggil sa isinusulong sa Kamara na panibagong sistema ng pagbubuwis sa mga nag-mimina sa bansa.
Hindi rin naman iniaalis ni Dr. Brown ang posibilidad na dumulog sila mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na mapigilan ang posibleng pagpapatupad ng anumang tax law na hindi makatuwiran at magiging dahilan lang para mapatay ang local mining sector.
Giit pa ng PMSEA president, ang mining firms na nasa ‘low-grade ore’ gaya ng Carmen Copper, na maliit lamang ang revenue, ay masasaktan kung ipapataw dito ang gross-income based tax.
“If it is 3 percent royalty tax and all other taxes will be removed, then that is an excellent proposal. But a 3 percent royalty tax in addition to the ex-cise tax, which is 4 percent, it will kill the producers. Because it depends on the grades of the ore. If the grade of the ore is low like (that of) Carmen Copper, then the net income is low,” sabi ni Dr. Brown.
Samantala, sa ikalawang araw ng 66th ANMSEC ay isinagawa ang relaunching ng #MineResponsibility, isang nationwide information campaign program ng DENR-Mines and Geosciences Bureau, kasabay ng 7th Community Relations (ComRel) Conference na idinaos sa CAP-John Hay Trade and Culture Center sa lungsod na ito kahapon.
Ayon kay DENR-MGB Director Atty. Wilfredo Moncano, ang #MineResponsibility ay idinisensyo upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga mamamayan hinggil sa responsableng pagmimina at sa nilalaman ng Mining Act of 1995.
“It is important that the public is informed and involved in the enforcement of mining policies and environmental protection, and that’s what this campaign is really about, especially now that mining requirements are more strict than twenty years ago,” sabi pa ni Moncano. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.