PALALAKASIN ng NLEX Road Warriors ang kanilang frontline sa muling pagkuha kay Mike Miranda.
Inanunsiyo ng NLEX na inaprubahan ng PBA ang trade sa NorthPort na magbabalik kay Miranda sa franchise, kapalit ni guard Juami Tiongson.
Si Miranda ay naglaro para sa NLEX mula 2017 hanggang 2018, subalit dinala sa TNT bago napunta sa NorthPort.
“It so happened that Mike was available. Since Mike came from our team before and knows my system, he became a natural consideration,” wika ni NLEX coach Yeng Guiao patungkol sa trade.
Inamin ni Guiao na hindi nila gustong bitiwan si Tiongson, na naging mahalagang bahagi ng rotation ng NLEX noong nakaraang taon kasunod ng suspenisyon ni Kiefer Ravena.
Nag-alok ang Road Warriors ng second-round picks, subalit iginiit ng NorthPort si Tiongson.
“The mere fact that they insisted that he be part of the trade proves how much he has grown. He had actually just been granted a contract renewal with NLEX before the trade, which is an indication that he’s going to be in the league for a while,” ani Guiao patungkol sa dating Ateneo guard.
Comments are closed.