CEBU – PINAGBABARIL ang isang ginang na misis umano ng drug dealer sa Carbon.
Ayon sa Cebu-PNP, naganap ang pamamaslang kay Ediliza Andrino, 45-anyos, kahapon ng madaling araw sa Sitio Kawid, Barangay Ermita.
Lumitaw sa pagsisiyasat ni P/Corporal Christopher Segovia ng Carbon Police, may hawak ng kaso, binaril ng suspek ang kanyang target sa loob mismo ng bahay nito.
Agad na nasawi ang ginang sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.
Hinihinalang may kaugnayan sa droga ang paglikida kay Andrino.
Napag-alamang kasalukuyang nakakulong ang asawa ng biktima at maging ang kanilang anak dahil sa kasong droga.
VERLIN RUIZ