BOHOL- DEAD ON THE SPOT ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang tambangan ito habang sakay ng kaniyang Sports Utility Vehicle kahapon ng madaling araw sa Tagbilaran City.
Ayon sa Tagbilaran Municipal Police office, tinambangan ang biktima bandang alas-12:40 ng madaling araw ng Lunes, Hulyo 15, sa Barangay Booy.
Base sa impormasyong ibinahagi ni Police Lieutenant Rodante Cinchez, acting chief investigator ng Tagbilaran City, walang anumang bagay na kakikilanlan sa biktima na sakay ng kulay gray na SUV.
Ayon kay Cinchez, wala kasing anumang ID na nakuha mula rito.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang dagliang kamatayan.
Ayon kay Police Master Sergeant Joemer Miculob ng Scene of the Crime Operatives, nakakuha sila ng hindi bababa sa 116 na empty shells ng M-16 rifle sa crime scene.
Ayon sa mga residente, inakala nila noong una na tunog ng fireworks display ang kanilang narinig na sunod-sunod na putok. VERLIN RUIZ
Comments are closed.