MIYEMBRO NG HUMAN RIGHTS GROUP NAKAPUSLIT SA AMBUS

pinagbabaril

IFUGAO – LIGTAS sa tangkang pagpatay ang miyembro ng isang human rights group makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa Lagawe, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasugatan na si Brandon Lee, 37-anyos, na miyembro ng Cordillera Human Rights Alliance at contributor ng online-news website na Northern Dispatch.

Miyembro rin si Lee ng non-government organization na Ifugao Peasant Movement bilang paralegal volunteer.

Isa si Lee sa mga aktibista na umano’y iniuugnay ng militar bilang supporter at miyembro ng New People’s Army (NPA) noong 2015. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.