MMFF ENTRY NI COCO MARTIN COMEDY VERSION NG ‘ANG PROBINSYANO’

COCO MARTIN

NAPANOOD namin ang pictorial video ng pelikulang lahok ni Coco Martin sa star mirrordarating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 at nagulat kami dahil halos buong cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay kasali sa nasabing video. Maliban kina Susan Roces, Lorna Tolentino, Baron Geisler, Yassi Pressman, Angel Aquino at iba pa pero nakadagdag naman sa cast sina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Wala silang ginawa sa pictorial kundi ang wacky pose kaya naisip namin na ang lahok ni Coco ay comedy version ng nasabing primetime top rating teleserye ng Dos. Ang lahok ni Coco na siya ang direktor na may pamagat na 3ripol Trobol, Huli Ka Balbon.

Kasama sa walong lahok sa darating na pestibal, ang Mindanao na bida sina Judy Ann Santos at Allen Dizon ay hinuhulaang hahakot ng awards dahil si Brillante Mendoza ang nagdirek nito. Kasama rin dito ang Write About Love na bida sina Roco Nacino, Joem Bascon, Yeng Constantino at Miles Ocampo. Kaya lang, di pa nga nagsisimula ang pestibal ay may mga humuhula na tiyak ito raw ang unang entry na mapu-pull out sa festival.

Isa pang lahok ay ang Cullion na bida sina Iza Calzado at Jasmin Curtis-Smith na may pagka-horror ‘ata pero siguradong horror ang movie nina Aga Muhlach at Bela Padilla na Miracle In Cell No. 7.

Siyempre, puwede bang ‘di mapasama ang entry nina Vic Sotto at Maine Mendoza na Mission Unstoppable eh, siguradong milyones daw ang ipapasok nito sa kaban ng MMFF sa taong ito at isa pa, may tsika na kung may isa sa lahok ng Big Three namely:  Vice-Vic-Coco ay baka ‘di maabot ang target na dapat kikitain ng pestibal sa taong ito. Well, posible nga.

Another horror entry daw ang Sunod na bida si Carmina Villaroel, Mylene Dizon at JC Santos pero malayong mapasama daw ito sa top five. Take note, sa lahat daw ng mga artista na may entry ay si Carmina daw ang underrated kaya dapat ‘yung movie na lang daw ni Nora Aunor ang ipinasok dahil aktibo pa naman ang mga Noranians at tiyak mahihirapan si Juday na makuha ang Best Actress award.

Pero, dapat daw ang movie ni Maricel ang ipinasok kaysa kay Carmina bilang suporta man lang kay Mother Lily na malungkot nang di nakapasok ang kanyang pelikula sa pestibal.

May mga humuhulang ang pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis ang magna-number one uli dahil ang kanilang M&M: The Mall, The Merrier ay tinambakan daw ng maraming mga artista. Kasama kaya dito si Kuya Ion Perez?

May nagreklamo pala kung bakit Coco-Vice-Vic festival na naman daw sa ito na simpleng sinagot ng aming katabi, “Siyempre, sila ang kumikita eh, ng milyones. Negosyo ito. Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”

JULIA BARRETTO DAMAY NA NAMAN SA AWAYAN NG INA AT TITA; BACK SA PAGIGING STARLET

ANG nangyaring away ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine na JULIA BARRETTOnaging dahilan para ma-confine ang aktres sa hospital nang wala sa oras ay tiyak na makakapekto sa karera ni Julia. Lalo pa’t may nakarinig daw sa kanya ng nagmura daw ito. “F_c_ daw ng f_c_!”

Aminado kami na mabigat ang dugo namin kay Julia dahil dala nito ang apelyidong Barretto. We don’t need to elaborate on our reasons kung bakit malayo ako sa mga Barretto dahil tulad ngayon, base sa nangyayari sa nga magkakapatid na kinaya nilang mag-away sa tabi ng burol ng ama.

Ang matindi, sa harap mismo ni Pangulong Digong na dumalaw sa hospital kung saan muntik-muntikang nagkasakitan at lumilipad sa ere ang murahan na para bagang ordinaryong tao lamang si President na nakatayo malapit sa kanila.

Noong kapapasok pa lang ni Julia sa showbiz ay Padilla ang kanyang gamit mula sa kanyang amang si Dennis Padilla. Nagustuhan namin siya dahil maganda at malaki ang potensyal nito na magiging malaking bituin tulad ng kanyang mga Tita na sina Gretchen at Claudine. Pero nang pinalitan nito ang kanyang apelyido ng Barretto ay bigla kaming nanlamig sa kanya dahil nga sa mga kontrobersya.

Hanggang ngayon ay parang starlet pa rin ang tingin namin sa kanya, marami rin ang umaayaw na sa kanya. Sayang nga lang, malaking tulong sa kanya si Joshua Garcia dahil medyo umangat ang kanyang pagka-starlet nang naging magka-loveteam sila pero dahil hiwalay na sila at friends na lang daw, back to pagka-starlet ito ngayon. Opinyon lang namin ito, kayo?.

Comments are closed.