NAGLABAS na ng listahan ng Metro Manila Film Festival 2019 entries as of January 1, 2020.
Narito ang latest MMFF Box Office report:
Nangunguna pa rin ang pelikula nina Aga Muhlach at Bela Padilla, ang “Miracle In Cell No. 7” na kumita nang P237M; pangalawa ang “The Mall, The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis, P231M; third ang movie nina Coco Martin at Jennylyn Mercado na “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon,” P76M; sumunod ang Vic Sotto at Maine Mendoza starrer na “Mission Unstapabol, The Don Identity,” P62M;
Pasok sa number 5 ang “Sunod,” P16M; ang humakot ng award na “Mindanao” ang nasa ika-6 na puwesto, P6.8M; nasa ika-pitong puwesto naman ang “Write About Love,” P5.6M; at ang “Culion” na kumita lamang ng P1.7M.
Ayon sa netizens, malaki ibinaba ng filmfest entry ni Vice ngayong taon.
“Laking binaba. Dati close to 1B ang kay Vice. Recycled jokes daw kasi. Kaya naungusan ng adaptation movie from Korea ang istorya. Nag-sawa na rin ang mga tao.”
Say ng mapanghusgang netizen, “Hindi ko maintindihan ang psyche ng moviegoers. ‘Yung movie na alam na ang istorya ang siya pang pumapatok. Like ‘yung Avengers Endgame alam nang matatalo si Thanos pero andami pa ring nanood. Parang itong “Miracle in Cell No 7,” alam na ang kuwento, pero ‘yung kung ano mangyayari ang exciting sa mga tao.
Sadyang masuwerte ang taong ito para kay Aga dahil muling bumango ang kanyang pangalan at naka-hook siya ng isang pelikula na maipag-mamalaki niya.
Hindi man original ang istorya ay nakuha naman ng actor ang tamang pag-arte ng isang retarded. May kakulangan man sa pag-iisip, hindi nawa-la ang pagmamahal ng isang ama sa anak sa kanyang puso.
Kaya nga sa mga nakapanood ng original na “Miracle In Cell No. 7” ay na-curious at pinanood nila ang remake.
Hindi maituturing na succesful ang MMFF ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon na sobrang laki ng kita ng mga nangungunang pelikula.
‘THE MALL, THE MERRIER’ NAGSAYANG NG NEGATIBO MABIGYAN LANG NG MOMENT SI RUFFA
NAPANOOD namin ang ‘The Mall, The Merrier,’ kapansin-pansin na minadali ang pelikula para lang makahabol sa Metro Manila Film Festival.
Ang daming nasayang na negatibo tulad ng eksena nina Vice Ganda at Ruffa Gutierrez.
Para lang mabigyan ng moment ang former beauty queen ay pinahaba ang eksena kung saan nagpagulong-gulong lang naman sila hanggang makarating sa Luneta.
Nang mapansin ni Vice na malayo na ang kanilang narating bumalik sila sa Tamol Mall na kanilang pinanggalingan.
Mismong sa portrait ni Annabelle Rama huminto ang dalawa, para naman may moment din ang ina ni Ruffa.
Ito ang mga eksenang puwede namang wala sa pelikula.
Comments are closed.