MODERN JEEPS, BUSES BALIK-BIYAHE SIMULA SA HUNYO 22

MODERN JEEP-BUSES

SIMULA sa susunod na linggo ay papayagan nang bumiyahe ang public utility buses, modern jeepneys at UV Express sa limited capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Department of Transportation road sector consultant Bert Suansing, ang mga modernong jeepney ay maaari lamang magsakay ng hanggang 20 percent ng passenger capacity upang masiguro ang one-meter physical distance rule.

Samantala, ang UV Express units ay papayagang magsakay ng hanggang siyam na pasahero kada trip.

Ang limit ay mistulang mahigpit ngunit sinabi ni Coalition of Operators and Drivers of UV Express Atbp. (CODEX) President Rosalino Marabel na: “Sabi nga nila sa Ingles, ‘Beggars cannot be choosers.’ While we agree with that, very little ang matitira sa ating drivers.”

Ayon kay Marabel, nakahanda na ang UV Express drivers na muling pumasada sa ilalim ng ‘new normal’ matapos ang ilang buwang pagkakahinto sa trabaho.

Ang mass transportation ay mahigit dalawang buwang sinuspinde makaraang isailalim ang Luzon at iba pang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine noong mid-March upang mapigilan ang pagkalat ng CO­VID-19.    CNN PHILIPPINES

Comments are closed.