MOI BIEN NA DATING P.A. NI PIOLO PASCUAL MAY HANDLER NA RIN

DALAWANG taon na ang nakalilipas simula nang umalis sa poder ni Piolo Pascual ang kanyangwallface PA/handler na si Moi Bien. Halos mahigit isang dekadang nakasama ni Piolo si Moi at pinagkatiwalaan niya ito ng husto kahit pa sa mga personal niyang bagay na ginagawa sa araw-araw ay alam ni Moi.

Kumusta na kaya si Moi ngayon wala na siya sa poder ni Piolo? Ani ng dating handler ni Piolo ay tumututok na rin siya sa pagiging artista kung saan ay lumalabas-labas na rin si Moi sa iba’t ibang pelikula at teleserye.

Tulad ngayon kasama si Moi sa bagong teleser­yeng ginagawa ni Cristine Reyes sa ABS-CBN at gumaganap na kaibigan ni Ogie Alcasid sa pelikulang Kuya Wes na prod­yus ng Spring Films na isa si Piolo sa mga may-ari.

Nang matanong naman si Moi kung ano ang kaibahan niya ngayon kaysa noong nasa poder pa siya ni Piolo, masa­yang sinabi ni Moi na ang han-dler daw noon ay may handler na rin naman ngayon. Paglilinaw ni Moi, maganda ang paalaman nila ng kanyang da­ting amo na si Piolo, sa katunayan pa nga raw ay mismong si Piolo ang nagdala kay Moi sa pagiging talent manager nito na kaibigan ng actor.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit nagawa pa niyang umalis sa poder ni Piolo gayung puwede naman siyang mag-artista kahit handler ng ac-tor.

Say ni Moi, kinakailangan na raw niya mag-double effort dahil sa lumalaki na ang kanyang anak na ngayon ay 13 years old na at nasa high school na. Nahihiya naman daw siya kay Piolo na hindi na niya ito maaasikaso ng full time tulad ng dati na maliit pa ang kanyang anak at pinalaki ni Moi sa piling ng kanyang mga magulang.

Ngayon na may magandang kinikita na si Moi ay kinuha na niya ang anak at nakabili na siya ng isang condo unit na titirhan nilang mag-ina. At nang matanong kung kilala ba naman ng anak niya ang ama nito, say ni Moi, sa picture na lang niya nakita ang ama. At kung sakaling tatanggi ang lalaki, ngayon na isa nang pulis at may pamilya na rin, ay isasampal daw ni Moi ang DNA test sa ama ng kanyang anak.

Ayaw kasi ni Moi na lumalaki ang anak na hindi nakikilala ang tunay na ama at gusto na rin ni Moi na kahit paano ay makahingi na rin ng tulong na pinansiyal sa ama ng kanyang lumalaking anak.

Matapos sundan sa Kapuso

Network…

KIKO ESTRADA INIWAN SI DEVON SERON

KIKO ESTRADA-DEVON SERONMALAKING dahilan si Kiko Estrada kung bakit lumipat ng estasyon si Devon Seron, mula sa pagiging Kapamilya ay tumalon siya sa Kapuso Network.

Unang nagkakilala ang dalawa ng magsama sa isang pelikula under Regal Entertainment at doon nagsimulang sumibol ang kanilang pagmamahalan kahit magkabilang estasyon pa sila. Tsikang ang isa sa dahilan kung bakit lumipat ng estasyon si Devon ay para makasama naman sa isang project sa telebis­yon ang kanyang boypren at mapalapit na rin dito. Natupad naman ito pero short-lived dahilan sa desidido na talaga ang kampo ni Kiko na lu-mipat sa kalabang estasyon ng GMA7, ang ABS-CBN.

Sa kasalukuyan ay may ginagawang teleserye si Kiko sa Dos kahit kontro­bersyal pa ang kanyang paglipat dahilan sa kontratang pinirmahan sa Siyete. Sa ngayon ay nagkausap na raw ang panig ni Kiko at ng GMA7 at nabigyan na ng blessing ang kanyang pag-oober da bakod. And it means one thing, iiwan ni Kiko ang girlfriend sa Kapuso Network for career moves.

Ayon sa hunk actor, hindi naman daw sila naging magsyota ni De­von dahilan sa estasyong kinabilangan. Meaning kahit saan silang dalawa magtrabaho ay nandoon pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Tanong naman ngayon, sumunod naman kaya ulit si Devon kay Kiko sa Kapamilya Network. As in bumalik siya sa pinagmulang estasyon?

Comments are closed.