MON MARASIGAN, NA-CHINOKZ SA BATANGAS

ACTOR, singing idol, pero ngayon, iba naman ang kinakarir ng guwapong Batangueno na si Mon Marasigan – ang Chinokz Lechon Manok. Isa na siyang franchise owner nito sa ngayon.

Nahinto pansamantala ang pagti-taping at pag-awit ni Mon sa iba’t ibang bahagi ng Batangas at Metro Manila dahil sa pande­mic, kaya naisipan niyang mag-put up ng isa pang pagkakaabalahan – ang pagkakaroon ng sariling business na pagkakakitaan, ang Lechon Manok shop.

Ani Mon, “Bata pa ako, mahilig na ako sa lechon manok, hanggang na-discover namin ng mga kaanak ko ang sarap ng timpla ng lechon manok nung nag-pandemic. Tamang-tama sa pag-open ko ng Chinokz Lechon Manok store at maraming tumangkilik sa Bayan ng Balayan, hanggang sa nakaabot na sa iba’t ibang bayan ng Batangas. Marami nang inquiries para maging franchisee.”

Malakas ang bentahan ng unang store niya, ang Chinokz Lechon Manok, Balayan. More than fifty chickens a day ang naibebenta ni Mon. Hanggang matikman ng ilang friends niya ang Chinokz at gusto nilang bumili ng franchise, kaya nabuo ang Chinokz open franchise business .

Hango ang Chinokz sa palayaw niyang Chito at kilala siya sa Balayan, kung saan siya lumaki, as Chito. Marahil, ang ibig sabihin ng Chinokz ay Chito’s manok = Chinokz. May sense ba?

”Di ko makakalimutan ang pagkapanalo ko bilang Ginoong Balayan noong 2012 na ang head of judges ay si Direk Maryo J. Delos Reyes,” ani Mon.  “Siya ang nag-advice sa akin na pasukin ang showbiz.”

Sa simula, ipinasok daw siya sa workshop ni Direk Maryo J, at nang medyo hand ana siya ay isabak na sa mga guestings sa iba’t ibang programa ng GMA. Sa pagpanaw ni Direk Maryo J, parang nawalan siya ng pader na masasandalan, ngunit marami na siyang natutunan kaya bukod sa pag- arte, ginamit niya ang hilig sa pagkanta at pagsasayaw upang makilala. Nakakahiya naman sa kanyang discoverer na si Direk Mario J kung itatapon lang niya ang mga pinaghirapan nito. Kaya halos lahat ng fiesta at pagdiriwang sa iba’t ibang panig ng Batangas, nai-invite siya bilang guest performer.

Sa kinita niya sa mga guestings, nakapagpatayo siya ng maliit na restaurant na malapit sa iskwelahan. Nagtayo rin siya ng sariling gym, at nakabili rin ng sariling kotse.

Unfortunately, nag-pandemic kaya nabakante siya. Doon niya naisipang magtayo ng negosyo – ang Chinokz Lechon Manok. Palago ito ng palago at dinarayo na rin ng mga karatig-bayan. – NOEL ASINAS