PINAYAGAN ng Bureau of internal Revenue (BIR) ang monthly filing at payment ng Value Added Tax (VAT) sa kabila ng ginawang pag-amyenda kamakailan ng Kongreso sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law) na ginawang mandato ang quarterly payment ng VAT.
Una nang pumalag ang taxpaying public sa binagong sistema sa pagbabayad ng VAT na mula sa orihinal na monthly payment ay ginawang quarterly payment.
Mismong ang mga opisyal ng BIR ang nalito sa binagong sistema dahil nagresulta rin ito sa pagbagsak ng kanilang kuleksyon.
Anila, sa monthly payment ay nakasisiguro silang mayroong monthly VAT tax collections na pumapasok at namomonitor nila ang buwanang VAT payment.
Kaiba ito sa binagong sistema na ginawang quarterly payment.
Anang mga ipisyal ng BIR, sa halip na makasiguro sila sa buwanang nakokolektang buwis sa VAT ay nagiging sanhi ito ng pagkaantala ng tax collections dahil nagagamit pa ng mga negosyante sa iba ang dapat sana ay monthly VAT payment.
Kadalasan ay ginagamit din itong rason ng mga negosyante para gastusin muna sa pamumuhunan ang nakalaang payment sa VAT hanggang maging sanhi ito ng pagka-delay sa deadline ng VAT payment na humahantong sa ‘zero VAT’ quarterly tax collection. “Taxpayers have the option to file and pay their VAT on monthly basis with no penalties to improve our goal of excellent taxpayer’s service,” ani BIR Commisdioner Romeo Lumagui, Jr. matapos itong magpalabas ng Memorandum Circular No. 52-2023.
Una nang inamyendahan ng Kongreso ang probisyon ng TRAIN Law upang gawing.quarterly mula sa dating monthly ang payment ng VAT.
Ayon sa sirkular na inisyu ni Commissioner Lumagui, muling pinapayagan ang taxpaying public na magbayad ng monthly VAT, sa halip na quarterly VAT sa layuning mapaigi ang koleksiyon sa buwis at ito ay hindi papatawan ng penalties.
Gayunman, paliwanag ni Commissioner Lumagui na ang filing ng BIR form-2550Q at payment ng VAT ay kinakailangang kumpleto sa 25 araw kasunod o bago magtapos ang bawat taxable quarter.
Walang itinakdang deadline para sa paggamit ng BIR form 2550Q para sa monthly returns na pabor sa taxpaying public.
Sa muling pagpapahintulot ng BIR sa sistema ng paghahain at pagbabayad ng monthly VAT, nagbabala naman si Commissioner Lumagui sa mga magsasamantala para makapandaya sa.VAT payment na may mabigat na kaparusahang kakaharapin ang sinumang susuway sa nasabing kautusan.
“The BIR is a fair agency, and taxpayers must not take advantage of our liniency by using ‘fake transactions’ in your VAT returns,” sabj ni Commissioner Lumagui.
Aniya, binigyan na niya ng instruction ang hepe ng binuo niyang National Task Force – Run After Fake Transactions para isailalim sa auditing ang mga suspected VAT cheaters para masampahan sa korte ng kaukulang kaso.