BULACAN-ISANG 21-anyos na lalaki na kabilang sa most wanted person list ng Obando Police ang nadakip dahil sa kasong kriminal at nadagdagan pa ang kasong kinakaharap makaraang makita sa loob ng kanyang bulsa ang isang pakete ng shabu nang makorner ito ng tracker team ng pulisya sa Barangay San Pascual,Obando.
Kinilala ni P/Col.Lawrence B.Cajipe,Provincial Director ng Bulacan PNP,ang naarestong si Jericho Valeriano alias Jek,21-anyos at residente ng Barangay San Pascual na nakorner dahil sa warrant of arrest sa kasong slight physical injuries ngunit nang ipakita ang laman ng kanyang bulsa ay nakita dito ang isang medium size plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Base sa report ni P/Major Gregorio T. Santos,Chief of Police ng Obando Municipal Police Station(MPS),bandang alas 10:00 ng gabi nang salakayin ng tracking team ng Obando Police ang kinaroroonan ng suspek na si Valeriano sa Daop Palad St.,Barangay San Pascual,Obando dahil sa kasong kriminal at armado ng warrant of arrest ang awtoridad na inisyu ni Hon.Judge Mary Kwen Canete Elefante,presiding judge ng MTC Obando.
Samantala,base naman sa follow-up report ni P/Lt.Col.Bernardo E. Pagaduan,Chief of Police(COP)ng Meycauayan City police,sinampahan na ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 ang naarestong sampung drug suspect na magkasunod na nadakip sa Barangay Bayugo at Barangay Sto.Nino, ng nasabing lungsod noong sabado ng gabi at makumpiskahan ng 45 pakete ng shabu. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.