LAGUNA – TIMBOG sa pinagsanib na kagawad ng Sta. Cruz PNP Drug Enforcement Unit (DEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 27-anyos na drug pusher matapos magkasa ang mga ito ng buy bust operation kasunod ang pagkakumpiska sa malaking halaga ng shabu sa Sitio Asana 2, Brgy. Santisima Cruz bayang ito kamakalawa ng gabi.
Base sa ulat ni PLt. Col. Armie Agbuya, hepe ng pulisya, kay Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang naarestong suspek na si Arnel Dizon Jr. alyas “JR”, naninirahan sa nasabing lugar.
Sinasabing napapabilang sa drugs watchlist ng pulisya ang suspek kung saan matagal ng target ang mga ito sa lugar kaugnay ng pagtutulak nito ng shabu.
Bandang alas-8:30 ng gabi ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng magkasa ng drugs operation si Agbuya at kanyang mga tauhan habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang P3,000 buy bust money.
Doon mismo sa lugar hindi na nagawa pang makapalag ng suspek sa pulisya kasunod ang nakumpiskang 18 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na umaabot sa halagang P820,000 na nakalagay sa isang sling bag.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz-PNP lock up cell kung saan nahaharap sa paglabag sa kasong Section 5 and 11 of RA-9165. DICK GARAY
Comments are closed.