ISINUMITE kanina ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Korte Suprema ang 13 pahinang Extremely Urgent Motion to Inhibit para kay Supreme Court (SC) Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa mula sa paghawak sa election protest case na inihain niya laban kay Vice President Leni Robredo.
Si Caguioa ang ponente o justice-in-charge sa election protest ni Marcos laban kay Robredo, na kasalukuyan pang nakabinbin sa Mataas na Hukuman, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).
Sinabi ni Marcos na si Caguioa at kanyang asawang si Pier Angela “Gel” Caguioa, ay may ‘close ties’ kina dating President Benigno “Noynoy” Aquino Jr. at Leni Robredo, kaya’t marapat lamang na mag-inhibit ang mahistrado sa paghawak sa kaso.
Natuklasan din umano ni Marcos na si Gel ay isang ‘anti-Marcos advocate’ at ardent supporter din ni Robredo, at aktibo pang nangampanya para sa kandidatura ng bise presidente noong May 2016 elections.
“Accordingly, it is most respectfully prayed by the undersigned protestant that Associate Justice Caguioa immediately RECUSE and INHIBIT himself from participating in any of the proceedings in connection with the above-entitled election protest,” nakasaad sa mosyon ni Marcos.
Ipinaliwanag pa ni Marcos na nagdesisyon siyang maghain ng Motion to Inhibit matapos na makita ang mga ‘online messages’ ni Gel sa kanyang Viber group na “AHS77/COLL81 COR” – na malinaw na nagpapakita sa resentment o mga hinanakit nito laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
“(I)f BBM wins and if he wins because of the youth, it’ll be [the] failure of our generation. We were the main catalysts of Edsa 1 and yet we failed to impart its lessons upon the generation that followed us,” isa sa serye ng Viber messages ni Gng. Caguioa, na nakita umano ni Marcos, na nakapaskil sa Facebook page ni dating Baguio City Councilor Tonyboy Tabora noong Hulyo 13, 2018, dakong 8:27 ng umaga.
Bagamat batid naman umano ni Marcos ang fraternal bond nina Caguioa at Aquino dahil sa pagiging magkaklase nito mula grade school, high school at college sa Ateneo De Manila University, ay binigyan aniya ito ng ‘benefit of the doubt.’
Maging sa mga delay sa kanyang election protest ay binalewala niya ito bilang respeto sa PET.
Gayunman, nang mabasa umano niya ang mga aniya’y ‘nasty’ Viber messages ni Mrs. Caguioa, ay dito niya napagtanto na maaaring maging ‘impartial’ sa pagbibigay ng hatol sa kanyang kaso ang mahistrado. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.