GOOD day, mga kapasada! As always, kumusta po kayo, mga kapasada, ngayong panahon ng pandemya. Dalangin po ng pitak na ito na ligtas kayo sa anumang masamang dulot ng pandemya sa inyong pangkabuhayang pangangailangang mag-anak. Stay safe and God bless po sa lahat. Sa totoo lang, mukhang nabulaga ang Land Transportation Office (LTO), gayundin ang Department of Transportation (DOTr) matapos na ipahayag kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat gawing sapilitan ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS).
Kaagad namang nagpahayag ang LTO at DOTr na susunod sila sa kautusan ng Pangulo. Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, susundin nila ang ipinag-uutos ng nakatataas sa kanila at nagbigay naman kaagad ito ng instruksiyon at sinabing iyon ang kanilang susundin. “Iyon po ang aming ipatutupad. Bibigyan po natin ng kaukulang direktiba o payo ang mga tanggapan ng Land Transportation na nagsasagawa ng registration or inspection para makatupad sa utos ng mahal na Pangulo,” sabi ni Galvante. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon si DOTr assistant secretary Giovanni Lopez sa saloobin ni Galvante sa pagsasabing tiyak na tutuparin ng kagawaran ang direktiba ng Pangulo. Ayon kay Lopez, makikipag-ugnayan sila sa LTO upang makatiyak na ang kautusan ng Pangulo ay maipatutupad.
Samantala, ang Vehicle Inspection Center Operators Association of the Philippines (VICOAP) na binubuo ng PMVIC owners, nauna rito, ay sumang-ayon na babaan ang kanilang inspection fees. Kara-karakang ipatutupad nito ang singil sa mga light vehicle sa halagang P600 para sa roadworthiness inspection tulad din ng singil na ipinapataw ng PETCs. Nauna rito, sumisingil ang PMVICs ng P1,500 hanggang P1,800 kada light vehicle samantalang ang sinisingil naman sa mga motorsiklo at mga jeepney ay P500 at P300, ayon sa pagkakasunod. Ipinaliwanag naman ni VICOAP president Inigo Larrazabal na ang naturang hakbang na i-adjust ang PMVIC testing fees ay tungkol lahat sa safety nets. Aniya, working closely with Congress and the DOTr, ang kanilang grupo ay sumasang-ayon to operate kahit lugi sa pagbabawas ng halaga na kanilang sisingilin. Bilang dagdag na paliwanag, sinabi naman ni presidential spokesperson Harry Roque na, “Hindi na po mandatory ang MVIS, meaning, wala pong karagdagang singil sa pagpaparehistro ng sasakyan.”
GASGAS NANG DAHILAN ANG BRAKE FAILURE SA BANGGAAN
Mga kapasada, lubhang ikinababahala ng LTO ang pagiging pasaway ng karamihan nating mga drayber sa kanilang pang-araw-araw na pagkayod sa lansangan para sa kapakanang panghapag kainan ng mag-anak. Payo ng LTO, una, gamitin natin ang kahinahunan sa pagmamaneho, iwasan ang road rage at igalang ang signages na nakalagay sa mga lansangan, maging sa highway at maliliit na na provincdial at munidipal road na inyong tatahakin bago makarating sa patutunguhan. Iyan, mga kapasada, ang matinding paalaala ng LTO at LTFRB. Ang pinakamatinding payo ng LTO sa mga motoristamg bumibiyahe sa iba’t ibang lalawigan, malayo man o malapit, ay tiyaking nasa wastong kondisyon ang mga gulong, gayundin ang preno nang maiwasan ang kahit na anong kapahamakan. Paulit-ulit na lang na dahilan ng ating mga drayber sa tuwing magkakaroon ng aksidente ay ang gasgas nang dahilan na“nawalan ng preno” ang minamanehong sasakyan kaya nasangkot sa disgrasya.
DAHILAN NG LOOSE BRAKES NA MAAARING MAIWASAN
Sa pakikipanayam kay Jess Viloria, ang kasangguning certified mechanic ng pitak na ito, for most typical hydraulic brake, para maiwasan ang dahilang “pagkawala ng preno” sakaling ito nga ang , tunay na dahilan ng traffic accident, narito ang ilan sa mga kailangang suriin nang makatiyak na hindi pumalya ang brake ng minamanehong sasakyan.
- Walang brake fluid
Ayon kay Jess, for most typical hydraulic brake system, none or not enough fluids ay katumbas ng walang preno. Ang air brakes ay hindi naman masabing dahilan sapagkay ito ay malayong ihambing sa prenong ginagamitan ng brake fluid. Sa air brake, ito ay ginagamitan ng air pressure samantalang ang brake na ginagamitan ng brake fluids ay maiiwasan sa pamamagitan ng regular na checkups at inspection ng brake system. Idinagdag pa ni Jess na tulad ng lahat ng fluids, ang fluid brakes ay may boiling temperature, at ang karamihan sa mga sasakyan under typical run or highway driving conditions will hardly ever reach that point. Dagdag na paliwanag ni Jess, isa sa mga sitwasyon na maituturing kung bakit ang fluid ay nag-iinit ay tulad ng malimit na acceleration and deceleration na dapat iwasan ng drayber. Ayon pa kay Jess, sa tuwing magpepreno, ang brake rotors, brake drums and pads/shoes ay nag-iinit at kumukulo. Sa sandaling kumulo ang fluid, ito ay katumbas ng mawawalan ng preno gaano mang kalimit tapakan ang brake pedal.
- Overload vehicle
Ang isa pang ibinigay si Jess na dahilan kung kaya nag-iinit (overheat) ang preno ay ang malayuang biyahe at overload o sobra-sobra ang karga ng sasakyan. Aniya, “driving without due caution when overloaded ang sasakyan ay isa sa mga potent cause the brakes function flawless na ang end result ay mawalan ng control ang sasakyan para ito ay pahintuin na siyang dahilan ng banggaan.
SINTOMAS NA MAY TAGAS ANG BRAKE FLUID
Ipinaliwag ni Jess na ang preno ay isa sa most important component ng anumang uri ng sasakyan. Aniya, “keeping your brake system in good condition is one of the best ways to ensure that a vehicle has a long lifespan and keeps you safe at the same time.” Binigyang-diin ni Jess na kapag ang braking system ay hindi umubra, nangangahulugan na maraming dahilan ng pagpalya nito gaya na lang ng may tagas ang brake fluid. Ngunit ang pagtuklas sa sintomas ng brake fluid leaks ay mangangailangan ng various check-ups sa various areas dahil ang typical na preno ng sasakyan ay binubuo ng apat na bahagi: a) brake master cylinder; (b) brake lines; (c) front brake calipers at (d) rear brake calipers o brake drum.
Ipinayo ni Jess na sakaling may tagas ang brake fluid, maaaring simulan ng may-ari ng sasakyan na hanapin ang dahilan ng brake fluid leakLAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
It’s going to be finish of mine day, however before end I am reading this fantastic
article to improve my knowledge.
74864 661574Really man or woman speeches need to have to seat giving observe into couples. Brand new sound system just before unnecessary individuals should always be mindful of normally senior common rule from public speaking, which is to be the mini. best man speaches 927911
650387 513086Oh my goodness! an exceptional post dude. Numerous thanks However We are experiencing dilemma with ur rss . Dont know why Not able to sign up to it. Could there be anybody obtaining identical rss dilemma? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 898277