MOTORNAPPER BULAGTA NANG MANLABAN

patay

CAGAYAN – PATAY ang isang motornaper makaraang manlaban umano sa sa mga kagawad ng PNP-Solana noong bisperas ng Bagong Taon sa bayan ng Solana.

Kinilala ni P/Capt. Jhun-jhun Balisi, hepe ng Solana Police, ang napatay na suspek na si Reggie Canapi, 35-anyos, na pinaniniwalaang may kagagawan sa mga serye ng nakawan at mga nawawalang motor sa nasabing bayan.

Bago naganap ang insidente ay naglatag ng isang checkpoint ang PNP-Solana sa may Barangay Maddarulug kung saan ay isang nagngangalang  Rogelio Chua, residente ng Tuguegarao City, Cagayan ang nag-report sa himpilan ng pulisya na umano’y nawawala ang kanyang motorsiklo noon pang Disyembre 27, 2019.

Dahil sa inilatag na check point sa boundary 2 at boundary (B2B) checkpoint sa Barangay Maddarulug, ay napansin ng suspek na siya ang inaabangan ng mga kagawad ng pulis ay mabilis na tumakas lulan ang kanyang ninakaw na motorsiklo.

Hinabol ng awtoridad ang suspek at nasukol ito sa bakanteng lote sa Barangay Dassun ng nasabing bayan, kung saan una umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan si P/Sgt. Larry Angco na may bulletproof vest na napilitang gumanti at tinamaan ang suspek na si Canapi ng dalawang beses sa dibdib sanhi upang ito ay masawi.

Nakarekober ang awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ng baril at 10 gramo ng shabu na umano’y drug pusher din.

Samantala, pagmamay-ari ni Rogelio Chua, residente ng Tuguegarao City, ang nakaw na motorsiklo na tinangay ng suspek habang nakaparada sa harap ng isang bangko sa Bonifacio St. IRENE GONZALES

Comments are closed.