MOTORSIKLO: LIGTAS-TIPS SA MGA SUMASAKAY

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

MARAMI ang nahuhumaling na bumili ng motorsiklo sa ating kapa­nahunan ngayon.

Hindi nga kasi, bukod sa mura ang gugol sa maintenance, matipid sa gastos sa konsumo sa gasolina at madaling iiwas sa buhol ng trapik. lkalawa na sa mga rider na nagmamadaling makarating sa paroroonan.

Ngunit ang aksidenteng dulot nito ay hindi maitatanggi sapagkat ka­raniwang nagreresulta ito ng damage to properties, serious physical injuries and even death or punishment of homicide thru reckless imprudence.

Sa masusing pananaliksik ng pitak na ito, nabatid mula sa Globe and Mail ng Canada ang estadistika na sa loob ng isang taon, 166,000 Amerikano ang naospital pagkatapos ng mga aksidente sa motorsiklo.

Sa naturang data, 4,700 ang namatay at ma­rami pang iba ang nalumpo ng habambuhay.

Sa bansang Canada, ayon pa rin sa ulat, ang mga aksidente sa motorsiklo ay nadoble ang bilang sa loob ng sampung taon. Samantalang sa Japan ay umaabot naman sa 2,575 motor riders ang namatay noong 1989.

Sa naitalang bilang, hindi pa umano kasali ang naaksidente sa mga sumasakay sa maliliit na motorsiklo na mahigit sa 70 porsiyento ay mga kabataan na ang edad ay 16 hanggang 24.

Kung paghaham­bingin ang bilang na naitala ng The Globe and Mail ng Canada sa estadistika ng mga aksidenteng nagaganap sa mga kotse, inihayag ng kompanya sa seguro (insurance) na sa ilang mga bansa sa magkakatulad na layo ng paglalakbay, ang dami ng namamatay sa mga motorcycle rider ay halos siyam na beses na mas mataas kaysa mga taong nakasakay sa kotse.

Ano nga ba ang dahilan ng maraming pagkamatay na nagaganap sa pagitan ng dalawang sasakyan?

Ayon sa Consumer reports, may tatlong kadahilanan tulad ng:

  1. Ang motorsiklo ay mas mahirap makita kaysa isang kotse.
  2. Ang motorsiklo ay nagbibigay ng kaunti o walang proteksiyon para sa nakasakay rito.
  3. Ang pagpapatakbo ng motorsiklo ay nanga­ngailangan ng kasanayan.

Kapag dumulas ito, kadalasan ay nahuhulog. Ito ang dahilan kaya maraming tao ang may palagay na ang motorsiklo ay mapanganib bilang sasakyan.

Ang iba ay hindi sumasang-ayon sa ganitong kadahilanan at iginigiit na may malaking pakinabang sa pagsakay sa motorsiklo kaysa ibang uri ng sasakyan dahil isa itong matipid na uri ng transportasyon at mahirap mahigitan ang motorsiklo.

Totoo nga naman, at ito ay pinatunayan ng Consumer reports na nakauubos lamang ng isang litrong gasolina sa bawat 25 hanggang 30 kilometrong natatakbo.

Idagdag pa rito na dadalawa lamang ang gulong nito at madaling imaniobra, walang problema sa pagpaparada, at ang presyo ay mas mababa kaysa halaga ng isang kotse.

Ngunit bakit sa kabila ng panganib na dulot ng pagsakay sa motorsiklo ay marami pa rin ang natatakot na i-patronize ang uring ito ng sasak­yan?

MOTORSIKLO-8ANG BATO ­BALANING ­PANG-AKIT NG MOTORSIKLO

Ayon sa mga nakapanayam ng pitak na ito na ilang mahilig sa motorsiklo at nagmamay-ari nito na ang mga pangunahing pang-akit ng nasabing sasakyan ay ang katuwaan na nanggaga­ling sa pagsakay rito.

May nagsasabi pang ang tunog nito, ang ugong ng makina tulad ng English twin engine at ang tunog ng Japanese multi-two-stroke, o ang huni ng multi cylinder four stroke ay pawang himig musika sa kanilang pandinig kapag ito ay kanilang pinahaharurot sa main thoroughfares.

Ito ang naging alpha at omega kung bakit nag­lunsad ng free training program na tinaguriang “RIDELIHOOD” sa pa­mamagitan ng inis­yatibo ng Legal Engagement Advocating Development and Reform, Inc. (LEADER INC,) sa pakipagbalikatan sa National Capital Region (NCR) East Branch ng Land Transportation Office (LTO).

Tinalakay ang tungkol safety practices, riders’ legal rights and obligation, health concerns and financial protection gayundin ang practical exercise tungkol sa road safety.

Ang naturang proyekto ay inilunsad upang isailalim sa pagsasanay ang motorcycle couriers ng libre bago sila isabak sa trabaho na nangangailangan ng ga­nitong serbisyo.

SAFETY TIPS SA MGA SUMASAKAY SA MOTORSIKLO

Sa pakikipanayam ng pitak na ito sa ilang MMDA Traffic enfor­cers,  ipinapayo ng mga ito sa motorcycle riders ang ibayong pag-iingat para mapanatiling ligtas hindi lamang ang driver gayundin ang sumasakay o kaangkas nito.

Narito ang ilang safety tips na dapat isa­alang-alang ng mga rider at driver:

SUMAKAY NA TAGLAY ANG PAG-IINGAT

Sa lahat ng bagay, napakahalaga ang pag-iingat.

Kaya naman, tandaang sa pagsakay ng motorsiklo, kaila­ngan ang ibayong pag-iingat—driver man o pasahero.

Iwasan din ng mga driver ang pagsingit, pagpapabilis ng takbo at biglang pagpreno. Mahalaga ring sanay na sanay ang driver sa pagpapatakbo at may koordinasyon.

UMIWAS SA GITNANG BAHAGI NG DAAN

Marami sa atin ang pinahaharurot ang motorsiklo. Kung minsan pa nga ay sa gitna na sila ng daan pumupuwesto.

Iwasan ang pagpuwesto sa gitna ng daan dahil diyan natitipon ang kalat at mga tulo ng langis ng mga kotse.

WASTONG OUTFIT

Huwag ding kaliligtaan ang pagsusuot ng tamang damit o outfit tuwing sasakay ng motorsiklo o magmamaneho. Magsuot ng helmet.

Ang mga guwantes, jacket, at boots ay proteksiyon din sa rider.

LAGYAN NG REFLECTIVE TAPE ANG HELMET

Mainam din ang paglalagay ng reflective tape sa helmet nang makita ka sa gabi at maiwasan ang anumang problema o aksidente.

MAINGAT AT MAY TAMANG DISTANSIYA

Huwag mong asahan na ang mga tsuper ng kotse ay magbibigay sa iyo ng right of way. Kaya naman, maingat na patakbuhin ang motorsiklo at may tamang distansiya sa iba pang sasakyan.

HUWAG MAG-DRIVE O SUMAKAY NG MOTORSIKLO KAPAG NAKAINOM

Kung nakainom din, huwag nang sumakay ng motorsiklo o magmaneho dahil kapahamakan ang maaaring idulot nito.

SWAK AT KAYANG PATAKBUHIN

Iba’t iba ang klase ng motorsiko. May iba-iba ring laki. Pumili lang ng motorsiklong kaya mong patakbuhin at tama rin ang laki sa iyong pangangatawan.

LAGING TATAN­DAAN: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.