PAG-AARALAN pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung magiging epektibo ang pagpapatupad ng nilagdaang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ito ay ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III na ang kanilang gagamiting batayan para tuluyan nang alisin ang deployment ban sa Kuwait ay kabilang ang pagpapadala ng mga household service worker.
Ayon kay Bello, maituturing na matagumpay ang kanilang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Kuwait lalo’t wala umanong tinanggihan ang mga ito sa inilatag na kondisyon ng Pilipinas na nakapaloob naman sa nilagdaang MOU.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng isang araw na day off kada Linggo, sapat na oras ng tulog at hindi na pagkumpiska ng mga employer sa cell-phone ng Filipino house workers.
Dagdag pa ni Bello, bubuo rin ng joint committee ang Pilipinas at Kuwait na siyang regular na titingin sa kalagayan ng mga Filipino household workers sa nasabing bansa.
“Merong nakalagay sa MOU na mag-create ng joint committee that will periodically assess the situation of our work-ers, dadalawin nila, kukumustahin, at ang cellphones nga ting household workers ay hindi na puwedeng kunin ng mga employer, dapat hawak nila ‘yun, way din nila ‘yun para maiparating ang kanilang mga hinaing,” pahayag ni Bello. KRISTA DE DIOS-DWIZ882
Comments are closed.