PASAY CITY – UPANG matiyak ang kalusugan at kagalingan ng mga Filipino nurses na nakakalat sa iba’t ibang bansa gayundin sa kanilang pamilya, lumagda ng kasunduan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Nurses Association (PNA) kahapon.
Nakapaloob sa memorandum of understanding (MOU) ang kasunduan na magpo-promote ng kalusugan at kagalingan ng mga Filipino nurses na nasa ibang bansa at ang kanilang pamilya.
Ang hakbang ay bilang bahagi ng selebrasyon sa Migrant Workers Day, na magiging plataporma para sa partnership sa pagitan ng nursing professionals at ng OWWA para suportahan ang health and medical interventions para sa Filipino nurses.
Ayon kay Erlinda Palaganas, PNA national president, ang kasunduan ay tutuldok sa alalahanin ng mga nurse hinggil sa kanilang health concerns.
“This is putting into things how do we respond to the health concerns of migrant workers, health concerns of nurses overseas,” ayon kay Palaganas.
Sa panig naman ng PNA, kailangan nilang ialerto ang OWWA sa concern ng mga nurse para matugunan ito.
Ang mga nurse naman na dumaranas ng mental health concerns, gaya ng depression, ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng psychosocial evaluation at counseling. GELO BAIÑO
Comments are closed.